Single

ALIW (feat. K-Leb and Pino G)


ALIW
STPHN
Producer: Ochomil
2017

Verse 1 (STPHN):

Alindog na hindi mahindian

Ginalingan

Mundo makasalanan

Kurba ng katawan

Hitik sa laman

Tuksong mahirap tanggihan

Kinagat mapangahas na paraan

Tila mansanas ni Eba’t Adan

Dahan dahan, pasakalye

Romansang daig komiks sa detalye

Sa larong ilalim ako swabe

Habang sa ibabaw ka umatake

Lokohan ba to o totoo?

Di ko alam kung bakit

Tinginan natin malagkit

Di tumanggi sa ungol na maakit

 

Refrain (K-leb):

Di yan totoo kasi peke

Wag ako kasi peke

Bola lang ito kasi peke (lokohan ba to o totoo?)

Kasi peke, kasi peke

 

Chorus (K-leb):

Pwede wag ako bat di na lang iba?

Sabi ko sayo di ako santo sasaktan kita

Bakit mo pa ba kasi pinipilit?

Na totoo ang iyong panaginip

Di yan totoo kasi peke

Kaya wag ako kasi peke

Bola lang ito kasi peke (lokohan ba to o totoo?)

Kasi peke, kasi peke

 

Verse 2 (STPHN):

Barako tirada ko

Bastos nga to pero maginoo

Mabagal, mabilis ba ang nais mo?

Papunta ka palang pabalik na ko

Lasong halik, lasang di matabang

Tusong bulaklak ng kalandian

Nabihag to nang tuluyan

Sa sagradong pigura ng yong katawan

Kaya di mapigil ang kapusukan

Itataya ang kaluluwa’t kahibangan

Turok hiringgilya nang init maibsan

Tumirik ang mata, libido tinaasan

Sumibak ng kahoy para silaban

Malamig ang kwarto pero pawisan

Kasi sinulit nag-aalab na apoy na lagim

Nalikha natin sa liwanag at dilim

 

Repeat refrain and chorus

 

Bridge (Pino G):

Nung una gusto ko lang naman ay makapasok sa mundo mo (yeah)

Go ka lang naman kahit na ito lang ang pakay ko (yeah)

Kilala mo sa pangalan, at misteryoso ang dating

Kaya ika’y nahihiwagaan

At ngayon naliliwanagan

Pagkat di ‘to pang karaniwan

Akala di mararating

Yung punto na wala nang iba pang gustong angkinin

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Wack MCs

Wack MCs
Marshall Bonifacio
2020 Single

Knock Ng Talk Hang (int3rlude)

Shanti Dope
Shanti Dope
2017 Album

Oo (feat. Future Thug)

Oo
Skusta Clee
2017 Single

Ronda Kalsada

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

PSG

PSG
Al James
2022 Single

FEATURED ARTICLES