Intro:
Ano ba ang bago dito? (Ano? Ano?)
May bago ba tayong paborito? (Sino? Sino?)
Kahit sino huwag yung negatibong (Tao! Tao!)
Nang sa gayun naman ay makaka ngiti pa si Kiko
Blain:
Sobrang dami ng artist lahat tunog millennials
At nagkalat ang hypebeast na parang epidemia
Nagbago ng bihis at tunog ng mga alias
Hiphop pa rin ang gumagawa ng kantang merong LSS
Pwes hayaan mo silang gumawa ng hakbang
Rektahan na sa kalye bawal ang tangang matapang
Laging may batang may bara ding pang malakasan
May bagong pambato pag gising mo kinabukasan
Gustuhin ko mang magpahinga ngayong gabi
Ang hyper ng MC parang nakasinghot ng kape
Nagi-islaman na kami, di lang head boppin' sa tabi
Ang dami nang sabi-sabi, hirap hanapin ng paki-elam ko
Kasi alam kong ito ang ating panahon na di masukat sa luwag ng pantalon
Peace na sa punks at metal pero may hater pa rin
Madalas pekeng kaibigang may inggit na palihim
Hook (2x):
Ano ba ang bago dito? (Ano? Ano?)
May bago ba tayong paborito? (Sino? Sino?)
Kahit sino huwag yung negatibong (Tao! Tao!)
Nang sa gayun naman ay makaka-ngiti pa si Kiko
Ano ba ang bago dito? (Ano? Ano?)
May bago ba tayong paborito? (Sino? Sino?)
Kahit sino huwag yung negatibong (Tao! Tao!)
Balanse lang at yan lang din naman ang minimithi ko
CLR:
Ang mga bago kong pyesa ang dinig mo pa rin sa SoundClick
iTunes, Apple Music totoo ang gossip
Nasa Spotify na ang Cain kakaibang concept
Yung mga tropa mo palihim itong sina-sound trip
Ha, laugh trip ugh! Nakaka-tawa diba?
Magbalik ka naman ng bomba yung gumigiba
Yung parang gig namin sa kalye, rumirekta
Kaso puro ka pa-bida bawal yan sa kontrabida
Pagkat wala kang pruweba na tus ako sa kultura
Hiphop ay malawak di yan naka-base sa itsura
Pag salpak ng bago ko, kumpara mo sa bago mo
Diba mas bago yung tunog, di na nagbago yung sayo
Inunahan mo, sinungayan ko
Hindi kita ka-lebel napatunayan ko
Si Pogi ka lang, tol Sayan to
Parang katotohanan lang na parang science bro
Inunahan mo, sinungayan ko
Hindi kita ka-lebel pag husayan mo
Patunayan mo na kaya mo rin na sumabay sa mga bagsakan ko
Refrain (2x):
Gumawa kami ng sarili at napakalaking alon
(Hiphop bangon yeah, tuloy ang bangon niya)
Para ang mga talangka ay hindi na muling maka ahon
(Hiphop bangon yeah, tuloy ang bangon niya)
Blain:
Kontrabida na ang bida rito
Mga batang pasaway, hoodlum, at bandido
Kalmado lang ako pero palaging agresibo
Kasi kasya daw lahat dito sabi ng sumulat ng kantang Platito
Babycakes naka-pila papasukin yan
Hitit buga ng vape dalagang Filipina yeah
Kahit di masyadong maganda basta masiram
Trip niya Marlboro Black ang lighter pwede pahiram
CLR:
Pwedeng pahiram ng paninde upang akin nang masindihan
Ang bomba na para sayo at pangkalahatan
Sasabog sa mga tenga niyo't kaiinggitan
Ng mga mababaw ang kaisipan
Easy lang parang kanta ng Yano
Magbanal-banal ka na aso't pa-santong kabayo
Pasan ang panibughong krus kahit san man dumayo
Bawal yan sa bagong eksena distansya nang malayo
Kaya tanong ng mga tao...
Repeat hook
Repeat refrain