Round 1:
Aklas!
Wala kang class! Kung meron man hardly pa
Kaya sakto sa labang to ia-outclass lang kita
Kasi Class A ka lang, class SS ‘to
Hanggang Temper ka lang, nagiging Tempest to
Ano Aklas? Kaya pa?
Baka napasubo ka lang? Chinecheck ko lang baka gusto niyang sumuko na lang?
Kasi tong pagbattle ko sayo
Tong pagbattle ko sayo for formality nalang
Yung grand prize nasakin na, bumale ka nalang
Kahit pang-Jollibee man lang
Kasi hindi ka makakatsamba
At least sa Jollibee, dun makaka-champ ka
Kasi kung overall performance sa buong tournament ang batayan
Halata namang ako ang naghari sa katayan
Nung semis
Nung laban mo, nagchoke yung kalaban mo kaya mo natalo
Nung laban namin, ako na nagchoke, ako pa ang nanalo
Ganon ako kalakas
Kasi wala ka naman talagang ipinanalo dahil sa lakas ng mga ibinira mo
Nawawala mga kalaban mo kasi distracting yang hininga mo
Yung hininga ni Aklas, ayan ambaho lang naman
Parang tae lang ng pusang nag-foodtrip ng durian
Anong klaseng amoy yan? Hunghang
Mabahong maanghang!
Ang makakatapat lang diyan, mga bara mong masangsang!
Ako si Aklas, barumbado ng kalawakan!
Mula pa sa lahi ng mga panganay na taong salagubang!
Ako’y dakilang berdugo, berde ang dugo
Gamay ang wika ng mga insekto, pero kung mag-rhyme bano
Mga absurdong kwento, sinisigaw ko with confidence
Hindi ma-gets ng tao, kasi wala naman talagang sense!
Anong tawag diyan sa estilo mo? Unorthodox? Pssh
Style mo buloks
Iba yung tunay na unorthodox sa nagpapalusot lang
Iba yung out of the box sa talagang supot lang
Di ka lang matuto ng Orthodox rap kaya nag-wild out ka nalang
Para pag lumitaw yung kabanoan mo, sasabihin mo “Abstract lang yan”
Yang content mo malabo, yong flow mo sablay
Yang pagiging abstract wag mong gamiting saklay
Kasi ineexagg mong mag-break ng norms, para kunwari rebellious
Hindi unorthodox tawag diyan, tawag diyan pretentious, mapagpanggap!
Kaya hindi ka left field, left out ka lang tsong
Kahit makailang Subflex ka pa hindi ka magiging AMPON
Kasi wala ka namang messages, purong noise ka lang
Walang malakas na linya kaya malakas na voice nalang
Tandaan, ang content na walang delivery meron pa ring kahulugan
Pero ang delivery’ng walang content, walang katuturan
Kaya wag magpa-linlang, sa mga unique niyang salaysay
Kasi aanhin mo ang unique kung wala namang saysay
Bukod tangi ka nga, pero hindi ka magaling
Di porket Standout ka, outstanding ka na rin
Kaya kung umubra sa iba yang pagiging kakaiba mo, ibahin mo ako
Iba-bodybag ko yang kaibahan mo at ibabalibag ko sayo
Kasi puro lang malalim na Tagalog yang mga brutal mong kantiyaw
Pilit naman ang pagkakagamit kaya yung meaning ampaw
Di ko kailangan magpaka-kopong kopong para lang insultohin ka
Pag ako nagmalalim na Tagalog, babalinguyngoyin ka
Pagka't bawat letra ko may bilang
Bingo ka nang putakte ka
At tutal may sa-insekto ka, tsitsinelasin lang kita
Ako’y mas armado pa kay Rambo, mas malakas pa sa Spartan
Para ka lang nag-beach walk sa kasagsagan ng storm surge ng Haiyan
Walang kalaban-laban!
Kaya yang paglaban mo sakin, kamaliang malagim
Hand shake kay Edward Scissorhands, kapit sa patalim
Kaya malamig na bangkay kang lulubog dito!
Kasi ang tsansa mong matalo mo ko, absolute zero
Round 2:
Walang Intro?
Kaya ko rin mag-rap nang wala nang intro intro pa
Mura lang naman punch line mo, weirdo ka
Wala kang kaalam alam na ang kaharap mo peligro na
Akong sampung salot sa isang katawan, ikaw Ehipto ka
At naiinggit ka pala sa laman ni Jimmy Santos, kumain ka kaya!
Kung talo ng bonjing yung pogi, yung panget pa kaya?
At ipinagmalaki mo na naman yung malinis mong standing
Akala mo naman yung kadakilaan non ay maglalanding
Nagkakamali ka ro’n
Kasi yung mga tinalo mo, nung tinalo mo, baguhan pa sa liga non
Tumanda ka na sa liga pantapat ka pa rin sa beginner
Okay nang tinalo ng beterano kaysa maging repeater
At kilala na natin si Aklas, yung gawa-gawang evil rwin
Ngayon ang kilalanin natin‘yung tunay na Philip Ching
Philip Ching?
Philip Ching?
Ching!
Wow! Made in China
Kaya pala puro mura mga piyesa mo, Made in China
Anong trabaho ng ermats mo? Maid in China?
Kasi tong paglaban ko sayo parang trabaho ng mama mo
A Chinese is getting served sa pagtatrabaho ko
Tas nung round 1, pang warm up lang yung kargada ko
Rubber bullet bars, nambubugbog yung ammo ko
At di ko iniinsulto yung ina mo, alam kong banas na siya
Ang pinakamasakit na insulto sa kanya, yong naging anak ka niya
Kasi weirdo ka, weirdong weirdo ka!
Pero Aklas, este Philip hindi kita sinisiraan
Alam na ng lahat na may sira ka
Sira ulong sira ang bait na nangangamoy sirang prutas pa
Kapapanganak mo pa lang, alam na ng nanay mong weirdo ka
Philip, ipinangalan ka sa screw driver kasi maluwag na ang turnilyo mo
Kasi nga ang weirdo mo
Tama yan
Na-Loose Turnilyo, parang yung dating kasama mo
Pero ‘tong si Aklas, alam niyo ba bago yan naging malakas
Doon sa school yan ang laging tampulan ng pintas
Ako yung big boy na mala-Andre the Giant ang katatagan
Ikaw yung small boy na laging paksa ng katatawanan
Nakuha mo ba?
Kaya hindi mo ko maa-outlast, kasi lumaki kang outcast
Ako laki sa Outkast
Kaya nga sir, alam kong tumanda kang people hate you sir
Hanggang high school binubully ka ng mga grade schooler
Tapos nung di na niya makayanan, lalo siyang nagpakahangal
Imbes na umangal, ilan beses nagtangkang magpatiwakal
Tutol ako sa bullying
At hindi ko minamaliit ang issue ng suicide
Ang gusto ko lang tumagos to!
Pano ka naging barumbado ng kalawakan
Kung wala kang magawa sa pambatang panunukso?
Kasi alam mo, ang puno’t dulo lamang nito
Kaya lang siya nag-battle rap para bumawi sa nakaraan
Gusto niya makipagpalitan ng laitan at makasagot ng pabalang
Kaya nga pag na sa entablado, talagang astang bully siya
Gamit ang tapang na hiram sa shabu at Metal na musika
Kasi tama nga naman
Ito nga namang competitive art form lang
Wala nang bubugbog sayo
Eh kaso itong nakatapat mo, yung kayang manunog sayo
May dahilan kung bakit ang turing sakin ng Gobyerno, kriminal
At kung bakit sa lahat gig ko, may nagmamanman na militar
Kasi walang linya sa pagitan ng literal at lirikal
Dahil ang prinsipyadong salita ay may gawang katambal
Kaya, bangbang!
Bangbang!
Sa bangbang na yan, ay mala Tupac to
Bangbang-ko ng talino, utak ko
Bangbang-ain mo nang masukat mo
Bangbang-amot ako ng katulad mo
Bangbang-kay wala nang buhay to
Bangbang!
Bangbang!
‘sa pa!
Bangbang!
Isang bala kada sampung pointless na barang minention mo
Sakto lang yang bullet points tutal enumeration to
Board Game!
Round 3:
Di porket magka-batch tayo, eh close tayo dito
At wag mo kong pauuwiin, at home ako dito
Ikaw ang trespassing, kaya wag ka masyadong maangas
Pauwi ka ng pauwi, Aklas layas! layas! layas!
Bitin ba?
Layas! Layas! Layas!
At alam ko na kawalan ng kanta ko nanaman ang idi-diss mo
Pero ang katapat lang ng lahat ng abstract album mo, abstract ng thesis ko
Ganun ka ka-purol! Tukmol!
Tapos yung prinsipyo, hindi daw makakain, literally of course
Eh bobo ka pala eh, yung prinsipyo nakakain kapag food for thought
Kaya Aklas ano ba?
Ano bang tinitira mo bakit yang katawan mo parang tumamlay?
Habang tumatagal nagmumukha ka nang..
Buto’t Kalansay
Tabi-tabi po sa bangkay
Lulubong, lilitaw
Sasaradong hukay
Yan ang ang aabutin mo dito ngayon, pangit
Kasi Aklas bakit ba inirereklamo mo ang pagrereklamo ko?
Ibig bang sabihin itong maling sistema, ineengganyo mo?
Yung reklamo namin may aksiyon, sayo puro comment, puro comment
Ang sagot namin sa problema, solution
Ikaw puro solvent
Pareho lang tayong mulat na ang mali ay ang mismong sistema, ang sistema mismo
Ang sagot ko dito aktibismo, ang sagot mo dito escapismo
Imbis ayusin ang problema, tinatakasan mo nalang panandaliang aliw ng droga
Binababaran mo nalang
Kami, nagsusulong kami ng panlipunang ebolusiyon!
Philip, Aklas ka lang
Kami, Rebolusiyon!
Kaya ako mahal ng taong bayan and they hate you
Kaya nga tayo nasa B-Side, sakin panig ang venue!
Kaya anong sinasabi mong laging una ang titik “A” sa titik “BA”?
Hindi laging ganon
Kasi sa Batch 1, una ang titik “BA”
Alam mo, hindi ka lang maka-getover, na sa tingin nila ako ang sure winner
Sasaksakin na kita ng paet kung gusto mo pang magpaka-bitter
Wala kang alam sa Public Relations, kaya yung fan base mo, bubot
Kulang ka sa PR, kaya yung Support mo, supot
Kaya nga nakikisalo nalang ng fans to, nakikisiksik sa amin to
Calabarzon sumagot kayo, kababayan ba natin to?
Calabarzon sumagot kayo, kababayan ba natin to?
May duplex ka nga sa Cavite, pero para sa mga tunay na Caviteño
Tourist ka, kasi lumipat ka lang naman sa Cavite, kasi nakabuntis ka
Tapos, agad-agad ikaw ay makiki-ari sa aming karangalan
Kami ang nagpundar at nagpakahirap, bigla-bigla mong tatanganan
Ano yan? Lokohan?
Babambuhin ko yang internal organs mo
Hanggang masiraan ka ng loob na i-claim ulit ang Cavite
Pauuwiin kita ng paluhod, sa Las Piñas
At kung ayaw mo, sampal ka kaagad
Ihahampas ko yang mukha mo sa kalsada, sabay kaladkad
Sa Alabang, Zapote Road, maglalakad ako
Kakatamin ko yung kalsada gamit panga mo
Ako’y buhay na kontradiksiyon
Lambing ko’y lumalatay
Ako’y mabuting kaibigan pero masama kung umaway
Righteous leftist na di mo dapat salingin
Dahil ang bright mind marahas kapag nagdilim ang paningin
Ako’y utak demonyong nagdidilang anghel
Sa mga asal demonyo, aking dila ang Hell
Lahat ng taas noo, natuturuan kong tumungo
Natutong tumingala sa akin habang nakayuko
Kaya Aklas, Aklas
Yang lakas mo, yang husay mo napatunayan at nasukat ng sa iilang naipanalong laban
Pero yung lakas at husay ko, sukat sa laki ng ambag sa larangan
Mula sa pagsusulat ng mga bara at pagseseryoso
Pati sa paghuhurado, naging ehemplo to
Kaya di mo ako mauunahan pagdating sa ligang to
Dahil isinabuhay ko ang kultura lampas pa sa ligang to