Verse 1 (Apekz):
Pagkatapos sa eskwela, diretso sa lamesa
Ng bahay may papel panulat at walang pake na
May tumutol sa pag abante, maputol man ang kable
Ako'y ispada na, habang ika'y isang alambre
Kasabay ng pagrarap ko, ang takda sa pamantasan
Hindi ko iiwan ang Hiphop sa mga tampalasan
Na katulad ni ano? At kung sino-sino pa
Pipigilan mo ako? Bakit pare sino ka?
Sinukahan ko lang ang iba niyong tinula
Nakadiri kasi yan para bang pwet na binuka
Puno lagi ang baterya, hindi nagpapahinga to
Kahit na Truck ang dala mo, laos yan sa Tamiya ko
Sige ako'y maliitin at kutyain sa tuwing
May laban maliit lamang ang nakakapuwing
Bitaw, lahat ay pasok at maraming kapanalik
Ikaw? Si Mariang Palad palang ang nakakatalik
Verse 2 (Spade):
Tatlong dragon nagsamasama, mga henyo at gifted
Maluwag ang mga turnilyo sa ulo (I'm fucking twisted)
Praning dahil puyat tol, medyo malat pa
Walang ligo't pinagpapawisan maalat-alat pa
Sa mga tugmang pantalastasan hinagingan ko'y bugbog
Dinaig ko pa ng mga sleep walkers, nagrarap kahit tulog
Di tuyo't malasado, halatadong lyrically ill
_____ sa opening spill
Ako'y siraulong galing banyo, isip ko ay pang demonyo
Tuwag ang mga humarang malulumpo parang pinolyo
Marka na parang selyo, dinidikit dóon sa sobre
Di ko kailangan ng damo, pare, solb na ko sa El Hombre
Naumay na aking tenga sa mga tunog lata
Akong doktor na gumagamot gamit lang ay abrilata
Kaya wack ang lyrics, sinulat mo pala yan?
Itong popsicle isubo mo
Ay! Burat ko pala yan
Verse 3 (Shehyee):
Kausap ka pero iba ang nasa isip ko
Mga titig sobrang imposible
Posible lang to sa panaginip mo
Utak mo'y mapipilipit, pag pinilit, isingit sa isip
Ang mainit na track gamit, ang beat ni Philip
Óo, di katangkaran pero
Hindi ka pwede magtangkang tapakan
Parang nakatapak ka ng Lego
Ako ay binatang parang sabaw ng nilaga
Mainit pero kahit na lumamig ay walang sebo
Mga letra't pandiwa, humihiwa ng bato
Ito ay giyera na may tema: Ang hari ay ako!
Nagdidilang-anghel, iba ang lebel
Naging abo ang lapis na kahel na hinahawakan
Di na kailangan lawakan ang katagang malawak pa sa kalawakan
Ginagawang bata ang matanda na nakalaban
Nagtandang humarang na mukhang matandang mambarang
Na hindi isinaalang-alang ang mga paalalang
Kay Shehyee bawal lumaban, sino ka?
Isa ka namang makatang mananalo lamang
Sa pakapalan ng mukha!