Album

Bolang Kristal (feat. KZ Tandingan)


Abra
Abra
Producer: Thyro
2014

Verse 1:

Bolang kristal ipakita mo sa akin ang

Kapalaran ni Dante kung sakali lang

Na malulong sa pag inom ng alak

Di alam na papunta sa patibong ang tapak

Mapapahamak, walang paki

Inuman na agad ng hapon hanggang gabi

Hanggang abutin ng umaga, nakatulala na

Walang maalala, parang dumaan sa

Gubat ang itsura, hininga amoy suka

Suka sa sahig at laway sa bibig natuyo na

Puro alak lang ang madalas kasama

Bakit nga ba to mali kung malakas ang tama

Lasing na lasing, nakaaway ang nobya

Sa gulong ng kapalaran nina vodka

Naiwan na wala man lang halik at yakap

Di alam ang gagawin kundi balik sa alak

Hanggang sa isang gabi, natagpuan

Galing sa inuman at nag lalakad sa ulan

Nakapikit at walang imik pauwi na

Ng bigla na lamang nakarinig ng busina

May kotse na biglang pabangga na sa kanya

Di napansin nasa gitna ng kalsada pala siya

Hindi na nagawang, umiwas sapagkat

Namalayan lang ni Dante nung huli na ang lahat

 

Chorus:

Ang bawat kilos may kahihinatnan

Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan

Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan

Kung hawak mo naman ang palad mo

Ano naman kailangan mo sa bolang kristal

 

Verse 2:

Bolang kristal ipakita mo sa akin ang

Kapalaran ni Dante kung sakali lang

Na malulong at maakit sa droga

Na ipinagbabawal na adik nang sobra

Nag simula sa alok ng kaibigan

Napatikim at ng sabog, nakangiti lang

Nakahiligan dating pangangapa lang

Ang laging pang-aliw naging pangangailangan

Ano pa nga ba? Wala ngang namimilit

Kailangan ng tama, para sa tamang pag iisip

Para matahimik, para makahirit

Parang nabubuhay sa magandang panaginip

Hanggang sa naging bula ang pera

Nawala na lang kaya nagsimula magbenta

Naging taga tulak ng mga tampalasan

Desisyon na wala nang atrasan.

Isang gabi, na nagkabilangan

Na ka-tropa nya sa droga na walang iwanan

Nakatulog, at magising ay naisahan

Wala nang droga at pera at ang napagbintangan

Ay siya lang, nalaman at nagalit ang amo

Sapagkat, walang natira na kahit na magkano

Di masukat ang bigat ng pighating nadama

Nasisante si Dante at binaril sa panga

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Bolang kristal ipakita mo sa akin ang

Kapalaran ni Dante kung sakali lang

Na malulong ng masyado sa sugal

Bakit nga naman makikipag-talo pa tutal

Naglalaro at kumikita, imposible ba?

Dito mabilis ang kita tipong triple pa

Larong baraha, sabong, jueteng, at karera

Pag swerte aba syempre pwedeng magkapera

Isang araw, pumasok mag-isa sa casino

Tinaya ang natitirang limang daang piso

Paraiso, na naging isang daang libo

Mula noon halos nanirahan na dito

Ng biglang bumaliktad ang ngiti sa mga labi

Ubos ang salapi at hindi na makabawi

Pero sabi sabi lang madali tong bawian

Bumawi sa casino, kasinungalingan!

Umutang pa ng pang gasta sa maton

Puro pusta panay patalo hanggang sa mabaon

Parang nahigop ang lahat ng malakas na buhawi

Isang gabi nasa bubong na mataas na gusali

Madalas ang ugali palabag kapag gipit

Pero sa ngayon naka-tanga at naka-pikit

Kawawang Dante tapak sa gilid sabay hakbang

Sa dami ng problema, nagpakamatay na lang

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

The Light (feat. Francis M. & Loonie)

United Freestyles 2.0
DJ Arbie Won
2003 Album

Kung Tama Siya (feat. Jaq Dionisio)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Sawa (feat. Thyro)

Nakasalalay Sa Letra
KJah
2023 Album

Puttanesca

The Breakout Satirist LP
Calix
2016 Album

Opening Salvo

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

FEATURED ARTICLES