Round 1 (Crazymix/Bassilyo):
Bago tayo magsimula itago nyo muna yung bata
Totoy dun ka muna sa gilid
Hindi yan bata
Ano yan tuta?
Chuchoy play dead
Tama, isang turuang tuta at isang askal na puyat, ga feeling magaling
Mga feeling magaling na wala nang magawang paraan
Kaya napilitang lumaban sa mga tigreng buang
Ang katapat niyo lang naman ay mga kuting
Naaning ang mga utak, sila daw ang dream team sa idinadaos na Dos Por Dos
Dream Team? Baka love team na mahahambalos ko ng dos por dos
Saan galing ang balitang yan?
Sa Kapasigan, sa pagupitan, sa Pandacan, sa PC-han, sa Baclaran, sa baklaan, sa culiatan hanggang doon sa batakan
Caloocan este kalokohan, tsismis lang yan, kung tutuusin lang laglag na yang mga yan doon pa lang sa Bataan
Ganun pa man, andiyan na yan eh
Eh di sila na, sige na sila na ang bida
At tayo kontrabida na kokontra sa kontrata ng mga pabida at padiva
Hindi ba? Living la Vida, Loco, Loca
Kapal nyo, tangina ka promise
Pabida si mister, paminta si misis
Yung mga banat mo silahis, habang samin dugtong dugtong
Gugulong kayo sa iba't ibang klaseng estilo at lenggwahe simulan natin sa bugtong bugtong
Sample
Bunto’t balat lumilipad, aay Saranggola
Mali si Loonie yan pag high na sa droga
Bad ka bad ka bad ka
Eto pa eto pa
Isang prinsesa nakaupo sa tasa, kasoy
Mali ka binago ko na, ang tamang sagot si Abra Kadabra
Bakit siya? Siya lang ang prinsesang kasya sa tasa
O teka teka hindi ba Pokemon din ang Abra, tumpak
Pag nag-evolve kadabra, korak
Pag lumaki pa ulit Alakazam, plangak
Kaya alisin mo na yung Kadabra halatang alanganin ka lang, syungak
Hindi ka nag-evolve, huwag kang magmalaki, Abra ka lang, punggak
At ikaw naman pugak
Huwag ka masyadong excited
Huwag ka masyadong mag-expect baka bigla kang malumbay
Yung putang inang premyo sa Dos Por Dos ipinangako na sa tulak, ipinangako pa sa bumbay
Eh paano kung sumablay? Eh di patay, diyos ko day
Kaya tol relak ka lang
Wag kang maten, baka ka mag-collap
Yung letrang ayaw kong gamitin, iyon ang iyong ikakabag-ak
At bago pa ko maiyak, ibabalik ko na kay Abra
Patayin sa sindak ang tsanak na anak
Ni Janice? Hindi
Ni Barbara? Hindi
Anak nino? Ni Berting Labra
Ang salamangka ng salamangkera hindi uubra
Ni sa hinuha ng manghuhula
Nababanaag, naaaninag, nakasaad sa palad ang hungkag na pandaraya
Sa paraisong parisukat, ilulubog ang mga sikat sa sulat ng mala-alamat
Kami ang katapat ng mabibigat
Huwag mong laliman Bassilyo sayang lang
Hindi yan maiintidihan, ang bobo neto
Ayoko magpakababaw pero para patas sisiguraduhin ko na maiintindihan mo
Lengwahe niyo pa mismo ang gagamitin ko
Ang sabi ko:
Sa baler na spongebob, malo-lost ang career ng mga pa-istariray at makakabog na sobra
Sa mega letter ng lola nyong mala-fairy, lahat ng mga eklabung heavy, kami ang ka-chorva
Ano pa flee? Ano pa fla? Kayo ang mga utaw na mache-chenes
Kami ang Winnie Monsod, kayo naman ang Luz Valdez
O ano? Getching mo na ning? Keber, Timex!
Round 1 (Loonie/Abra):
Sige kayo na intelihente
Kami na mga putapete
Gusto ko na sana mag-backout kung pwe-pwede
At bilang pagpapaasa sa masa, ang parusa bibigyan ko kayo lahat ng tig-be-bente
At magre-resign na ko sa battle rap bilang presidente
Oh Naniwala naman
Ano kayo sinuswerte?
Diba may byahe ka pa sa Crossing
Ito naman, tangina mo mukha kang bonjing
Taba mo Crazymix, bonjing ang puta
Bago ka lumaban sa asaran, magpapogi ka muna
Tapos pare alam mo mas bobo ka, tawag sayo boplax
Ako ang Abra, ikaw hindi ka na mag-eevolve pa, Snorlax
Ito naman si Bassilyo, akala ko retired na
Anygma, dapat sa FlipTop ang age limit required na
Matanda ka na, bukas eh kailangan pa bang iremind ka?
Sa sobrang tanda mo, gago yung birth certificate mo expired na
Ikaw yung tunay na Bassilyo sa El Filibusterismo
Sobrang tanda mo meron kang video kung pano pinako sa krus si Kristo
Ikaw naman ang tagaubos ng lahat ng chichirya at coke litro sa tindahan
Pag tinimbang nyo tong balyena na to, limang beses iikot yung timbangan
Kasi tignan mo yung bilbil parang dambuhalang pakwan
Yung diet niya dalawang subo lang, pero yung kutsara sagwan
Aminin mo maikli na ang pisi mo
May mantika yung ihi mo at dalawang dekada na kayong hindi nagkikita ng titi mo
Lordivino Ignacio, mukha kang pulubing may sakit
Ganito yung itsura ng taong grasa pag nakakupit ng damit
Nakakadiri yung kutis shit, mas madungis pa sa pwet
Pustahan tayo pag naliligo ka nagkakaputik yung sahig
Matandang maitim na mas mabaho pa sa tae ng kambing
Sa sobrang panget mo iniiwasan ka ng sarili mo sa harap ng salamin
Ang ibig sabihin niyan men yung mukha mo pang-iskwater yung hilatsa
Kaya yung nakikita mo sa salamin, hindi makapaniwala na ikaw siya
O siya siya siya
Ano ba amoy ng kilikili ni Bassilyo?
Wala ang baho lang naman
Para kang natrapik sa tabi ng truck na puro baboy ang laman
Kaya hindi mo pwedeng sigaw sigawan ang dalawang makatang may bulong
Itong si Crazymix, sobrang taba kaya ang lapad ng utong
Hoy ikaw, ngayon ka lang nag-FlipTop, tumanda nang paurong
Tatang magpasalamat ka sa mga napulot mo sa kalsada na gulong
Kung hindi dahil sa mga yun, wala ka nang bubong
Balita ko nakaraang lingo kagagaling nyo lang daw galing Boracay
Hanep di ka na mareach
Sabi nila ikaw lang daw yung naka-T-Shirt kahit magswi-swimming na sa beach
Nung huli naming battle hindi talaga kami nag-practice
Promise mamatay ka man
Singkwenta porsyento lang yun, ngayon otsenta porsyento lang naman
Kasi ang ganitong klaseng labanan, bihira lang maisagawa
Makulay laban sa masagawa, mahusay laban sa naghanda
Ang malas nyo na talaga at kami pa ang pangalawa na nakabangga
Payatot laban sa mataba, binata laban sa matanda
Speaking of mataba
Nakita ko yung baby pics ni Crazymix nung 1986
Yung bigat 80 Kilos. Yung file size 80 Gigs
Sobrang takaw nitong kapartner ni Bassilyo
Kumakain pa rin tong hayop na to kahit nagse-sepilyo
Alam niyo ba bakit sya yung tinaguriang pinakamatabang nagdo-double time sa Pilipinas?
Pag dumadaan to sa harap ng telebisyon, tatlong patalastas ang lumilipas
Eh alam mo bakit yung tyansa ni Bassilyo na makabuntis halos ubos na?
Bakit baog sya? Hindi kasi sa sobrang tanda nya, nilalabasan pa rin sya kaso pulbos na
Dere-derecho na wala ng balak lumiko tawagin mo kong Yamashita
Mga bara ko ginto, pag nasimulan mo ng kumain, di mo na kayang huminto
Di ka lumalabas ng bahay kasi di ka kasya sa pinto
Pag nagbago ng anyo sisiraan ko kayo
Puro pasikat kaya hindi maiiwasang bumagyo
Dahil sa etits ni Bassilyo, marami ng chicks na nagsisipaglayo
Kasi yung etits nya parang si Crazymix pag nakahiga
Alam nyo ba kung bakit? Kasi nahihirapan tumayo
Eh alam mo ba kung bakit sila yung nagkampi?
Wala eh si Smugglaz may kapartner na kasi
Kaya panalo na kami, alam nyo ba kung bakit?
Oo alam ko kung bakit kasi itong mga kalaban natin, ang bo-bobo’t ang pa-panget
Ang bo-boring, ang babaho, ang ba-babaw, walang talent
Isang ermitanyong patay gutom at isang hirap sa pagdi-diet
Maliligo kayo sa amin ng mga mura at panlalait
Kaya pag nanalo kami ngayon… Alam, alam, alam, alam, alam niyo na kung bakit.
Round 2 (Crazymix/Bassilyo):
Ang tanda, tanda, tanda, paulit-ulit, unlimited?
Eh ikaw bata, bata, bata, batang isip, makitid
Oo negro ako, gago asset ko to
Hindi lahat ng oras nakakabuti ang pagiging maputi
Lalong lalo na sa Munti
Kahit anong galit mo, kahit puno laman ng wallet mo
Pag hinawakan kayo ng mga kakosa ko
Wasak ang pwet niyo
Ikaw naman payat, nabugbog ka na ba ng mataba?
Pag sinargo ko yang mukha mo, patatabain ko yan sa maga
At least ako magaling mag-rap, may itsura kahit mataba
Inggit ka lang sa buong buhay mo, ang pagtaba na lang ang hindi mo pa nagawa
Tama na yan, laro na ulit tayo
Doraemon Abracosa aka Abra Kadabra pwet ng cobra
Ang tawag nya sa mga basura nyang letra, obra
Ahaha
Anong nakakatawa? Tangina ka
Marami ka lang sinasabe pero walang laman, walang katuturan, walang kabuluhan, walang kahulugan
Huwag mo akong pagmalakihan, pati yang flow mong yan ginaya mo lang yan
Kanino? Kay Marc Logan
At ito naman, akala mo walang kapintasan, ang lupit mangutya
Pero pag kumukuha ng simpatya at pag may kailangan sya
Dila nya matamis pa sa matamis na bao, panutya
Ha? Kurakot
Na? Mamaluktot
Sa? Kakakan…
Tama na hindi tayo sadista
Lahat ng pasakit sumasarap lamang sa tulad naming masokista
Kahit akala ng iba tayo ang nasa ibaba
Hindi tayo nagpa-panic
Walang daw syang oras mag-ensayo kasi oras-oras daw syang nag-aa…
Di ka ba titigil? Di ako titigil habang pinipigil, nanggi-gigil
Hmmm… May takip ka na nga sa bunganga nakuha mo pa ring bumanat
Okay lang ngumarat pero dito mo itapat
Sabay na tayo, buratat-tat-tat-tat-tat-tat
Ano? Buhay ka pa bilat?
Buhay pa yan, tuwang tuwa pa yan, paulanan mo ba naman ng buratatatatatat
Ano ba dapat? Pagsabihan mo yan para mamulat
Bigyan mo ng sermon na mala-erpat
Putang ina mo Jun-jun inumin mo yung gatas mo at pumasok ka sa kwarto
Hindi yung kung kani-kaninong titi ang sinususo mo pag pumupunta ka sa kanto
Tapos uuwi, ngingiti, ngingisi, hihingi, pera na naman
Pag hindi ka binigyan, ikaw pa galit, mangungulit, mang-uumit, mangungupit, magbebenta ng gamit
Hindi ba nangangawit? Hindi ba sumasakit ang butas ng pwet mo na yan?
Ang hilig pang uutang nyan, wala namang bayaran
Kita mo yan? Kita mo yan? Hindi mo na ko binigyan ng kahihiyan
Magkano inutang? Limangdaan, limangdaan
Limangdaan? Ano gagawin mo sa apat na raan? Akala mo ba madaling kitain ang tatlong daan?
Dalawang daan nga wala, isangdaan pa kaya? Wag ka nga
Dahil ang pera singkwenta, pina-load ko trenta
Magkano natira?
Di mo alam? Boba, bente pa di ba?
Oh eto sampu, papalit mo, ibalik mo sakin ung lima
Wahahaha limangdaan napunta sa lima?
Yan ba ang mayaman? Putang ina
Aba Abra hindi pinupulot ang pera
Kaya kung ako sayo magtiti-tipid ka
Ikaw talaga, ikaw talaga
Kung kailan maraming tao saka ka nambubwisit
Hindi kita pinalaki kaya ganyan ka kaliit
Oh shit, dpoiled burat talaga ang datingan ng gagong to
Kaya ang ibig sabihin sayo ni Bassilyo
Saka mo na ipagmayabang na mayaman ka kung ang pera mo
Hindi na galing sa ama’t ina mo
Round 2 (Loonie/Abra):
Yo teka lang
Kung manlait kala mo kung sino
Anong daan-daan yung pera ko? Gago yung pera ko libo libo
Saka andami mo naming sinabe, magaling na ba yun?
Parang pinilit mo lang ipagkasya, parang damit mo ngayon
Tanginang to
Sobrang taba nito tol, naliligo sa carwash, imbes na sa washroom
Sa sobrang laki mo, hindi ka magkasya kahit sa chatroom
Ito ang epekto ng walang ehersisyo at tamad mag-sipilyo
Isang matabang bibo at isang matandang hiniwalayan ng asawa dahil sa masamang bisyo
Sobrang tanda mo na Bassilyo, kabatch mo ang pinakamatanda ko na tito
Pumupunta ka pa ng Saguijo para mag-disco
Ikaw naman Mico, sobrang taba mo na iho
Pupusta ako ng dalawang libo
Kahit anong gawin nyo ni Bassilyo, walang balanse, imposible kayong makapag-seesaw
Isang.. double timer na kapatner oldtimer
Na gamit mga lumang verse ng pang-cypher
Oh Obesity sakit mo, sayo Alzheimer
Mas maitim ka pa sa costume ni Mask Rider
Parang Anderson Silva vs Scott Steiner
Mukha kang bus, ikaw mas mukha kang bus driver
Di kami nagbi-beer dahil sa Budweiser
Kami ay VIP, kayo ay outsider
Parang Magic Sing versus Sennheiser
Parang tricyle versus Dodger Viper
Ikaw ay fast rhymer pero wack writer
Puro ratrat, kami isang shot.. pak, sniper
Lahat ng anggulo ginamit, walang lait na gumana
Nagmamatapang halata naman, kay Denmark galing yung kumpiyansa
Dapat nag-freestyle ka na lang, baka sakali pang tsumamba
One to sawa ang panlalait basta topic ay mukha niya
Basta topic ay mukha niya
Bat ang daming tumatawa?
Di ko maalala ang kamukha nya pero malapit sa Koala
So ang panget ng mukha nya
Parang inahit na Chewbacca
Talagang holy shit, holy shit… Tae ng Santo Papa
Para maayos ang eksena, yan ang aming propaganda
Ano ba talaga ang problema? Pakisabi nga Abra
Porket payat hindi iboboto ng huradong mataba
At porket bata, kinokontra ng beteranong matanda
Minsan mas natiripan yung di gaanong naghanda
Mga papoging putapeteng desperadong talangka
Walang hiya mga bakla
Kahit kailan pala pwede kaming ipatalo ng mga tarantado na hurado
At sa mga tao, huwag kayo masyadong apektado kapag hindi nanalo yung mga kamukha niyo
Kasi sumali kami ni Abra dito upang mabusog
Mas mabilis pa sya sa kidlat, ako mas nakakagulat sa kulog
Pero mas nagulat ako kay Crazymix nung unang tumunog
Huwag ka na lang mag-rap, umutot ka na lang tol
Utang na loob
Kaya paano ka makikipagsabayan sa amin, eh mahinang klase ka lang naman
Ngayon double time kabaligtaran mo kasi wala naming kalaman laman
At ikaw naman Bassilyo yung makaluma mong estilo, hindi pwe-pwede samin tol
Welcome ka sana sa panahon ng new school kaso hindi ka na pwedeng mag-enroll
At balita ko ha aktibista ka daw
Kagalang galang na dalubhasang subok
Pero pag nagpa-planking ka sa kalsada, walang pumapansin sayo kasi mukha kang taong grasang tulog
Tapos ang lakas ng putok
Kasi tanghaling tapat nasa harap ng munisipyo
Nagra-rap meron pang video, pinaglalaban yung prinsipyo
Tangina, imbis na puro welga ka magsikap ka sa buhay
Madali lang magreklamo, mahirap magpatunay
Kasi mga bara naming merong poetry, comedy, history, at honesty
Talagang panalo na, for the win flawless victory, fatality
Kaya ibibigay na namin sayo ang pagretiro na matagal mo nang hinahangad
Pangalawang laban mo pa lang sa FlipTop, last battle na agad
Ito namang si taba halatang nag-aral lang sa bulok na paaralan
Alam kung matakaw ka pero bakit parang kahit kailan hindi ka man lang nagging gutom sa kaalaman
Kasi itong si Porkymix puro na lang “apiti-apiti-apiti-apiti” double timer na biik
Ang sarap mo sanang sakalin hayop ka kaso wala kang leeg
Wala kang leeg
Sumali ka lang dito para magka-instant na pangalan
Kami ni Abra pag sumasali sinasabihan nang suwapang
Tapos pag di na lumalaban, sasabihan nang artista na yumabang
Ano ba talaga gusto niyo? Si Anygma lang yumaman?
Di ko na kailangan magpakapagod para mag-esplika
Yung mga wordplay namin malalalim pero napapansin nila
Kahit may stiff neck ka mapapailing ka
Kahit na libre na, mapapabili ka
At ang lisensya nyo bilang makata ay mapa-palsipika
Round 3 (Crazymix/Bassilyo):
Pasintabi sa mga hurado baka mamis-interpret niyo ko
Kayo ang di mananalo samin
Kung matatalino at matatapang ang magju-judge
Paano nyo kami tatalunin kung hindi niyo kaibigan at di kayang tapalan ng anuman ang magju-judge?
At kung walang kinalaman sa pagiging makata ko yan, huwag niyo akong huhusgahan dahil hindi kayo judge
At eto pa tatandaan nyo
Huwag niyo sasabihing mabaho binubuga ko, ngumunguya ako ng Judge
Yo, tutal mahilig kayo magpuyat
May tulog kayo samin pero magigising kayo sa banat ko
Kaya Abra ikaw naman ang tuturuan kong mag-rap tangina mo
Yo, double time? Eto triple time
Yo, sa aming muling pagbabalik mag-iingay na naman
Gagawin naming ang mga dati nang nakasanayan
Kayang kayang magbuga ang mga nabibilisan
Kaya Abra eto ang dapat mo na malaman
Hindi ka malupit kaya huwag ka nang magbilad sa larangan ng pabilisan hindi ka pa tuli
Paano mo tatapatan ang pilantik ng aking labi? Iba ang mabilis sa nagmamadali
Halimaw na ako sa ganito habang ikaw ay nagpapanggap sa pabilisan ng tula
Wala ka pang napatunayan kaya payong kaibigan na itigil mo na yan
Dahil malayo ang pinagkaiba ng ating kahusayan
Paano mo ituturo ang hindi mo kayang gawin?
Kung ikukumpara ka sakin ay bubot ka pa din
Langit at lupa, pagitan nating dalawa
Kung pabilisan ang usapan ay supot ka parin
Supot ka pare
Ikaw ikaw sinungaling ka talaga
Sabi mo hindi mo ko titirahin, eh bakit mo ko tinira?
Di ba close tayo? Eto ako oh, eto ka
Tama ikaw ang nagsabi niyan
Ang sabi mo ikaw ang kanang kamay ni Kiko na nakangarat
Ang sabihin mo ikaw ang kamay ni Kikong Matsing na aking kinagat
Ang alat, pweh
May sinasabi pa yan
Ang sabi nya sya na lang ang natitira sa Rap Public
Ganun? Ang tigas ng utot mo kongkreto
Ang tunay na senaryo eto
Sa lahat ng grupo ng Rap Public, Crazy As Pinoy na lang ang kumpleto
Hindi kami nawala, hindi kami pinabayaan ng partidong Akbayan
Suportado kami ng aming bagong alkalde ng bayan
Sa mga piyestahan, sa mga gimikan nagrarap pa rin kami ultimo sa mga kaparian
Kaya lang kami napadpad sa FlipTop, pinapalawak ko lamang ang aming kaharian
Totoo yan, at totoo ang tropang trumpo
Kaya gawin natin yung battle of the brainless na paborito ng bobong to
Gusto ko yan, gusto ko yan
Yo, hulaan kung sino to?
Pangalan nya nagsisimula sa “El”, komedyante, sikat to, Long Mejia
Mali kasi wala siyang hiya
Gustong maging sikat na artista, hindi kumita mas nakilala sa paggawa ng kanta, Lito Camo
Mali kasi mas bata sa kanya
Mas bata sa kanya?
Alam ko na
Yan yung kumanta ng theme song ni Abra
Ano bang kanta yun? Ay yun.
“Ang batang lumaki sa sinturon, hindi na lalaki, hindi pa lalaki”, L.A. Lopez
Mali, hindi siya pwedeng singer kasi sintunado
Pero ang tsismis pagdating sa mikropono, demonyo daw to, Lucifer na sintunado
Muntik na Bassilyo
Ang pinagkaiba lang nila rapper sya, ah, Ludacris
Mali, hindi siya foreign, hindi sya orig, local siya
Sikat sa kanta ni Gloc, pasikat talaga
Alam ko na, Lando the Human Grease
Hindi rapper si Lando kaya mintis, wrong, mistake, mali
Pasensya na… “Tao lang” sirit na sir
Ang rapper na nagsisimula sa “El”, sasabihin ko na mga maam at sir
Siya po si Elmer
Teka madaya ka para kang si Abra
Ang sabi mo kanina rapper na nagsisimula sa “L”
Oo, pero di ko sinabing rapper na nagsisimula sa letter “L”
Ang sabi ko rapper nagsisimula sa “EL”… EL, “Elmer”
At si Bassilyo ang idol niyang rapper
Kasi pano mo nasabing ikaw ang hari ng tugma?
Kung karamihan sa mga istilong ginaya mo ay kay Bassilyo nagmula
At dahil ikaw ang unang nakita sa FlipTop
Akala ng lahat ikaw talaga ang mahusay
Pero sa bibig mo na rin nanggaling na wala nang hihigit sa tunay
Huwag ka nang magdeny
Mamili ka, tutal nagmamadali ka
Lahat ng sinabi ko dito totoo
Tama ba ako? O mali ka?
Round 3 (Loonie/Abra):
Real talk, mataba ka pa rin gago
Wala kang kasing baho tapos may suso ka pa kaya nakakapanibago
At ikaw kung sa tingin mo malabo kayong manalo
Yun ay dahil meron kang cataract
Utak naming mas malawak pa sa Encyclopedia at Almanac
Hinihintay na naming kung sino sa inyong dalawa ang unang papalpak at babagsak
Kung matanda ba o mataba ba ang unang mamamatay sa heart attack
Napanood ko sa Betamax yung mga una mong mga battle, binatilyo ka pa nun
Kaso black-and-white yung footage parang ngipin mo ngayon
1970's pa kasi yung pinakauna niyang show
Tapos umalis muna ng eksena upang mag-grow
Look alike ni Basil Valdez, Basil kulang ng Yo
Dati rating nakabarong, may dahon ng laurel sa tenga at makaluma ang flow
Ako nga pala si Bassilyo na kutis kuyukot
Balat ko ay parang pasas, maitim at kulubot
At pagkatapos nyang bumanat ng mga mahina niyang rhyme
Sumigaw bigla yung lolo ni Anygma ng time
Ang liga na to, pagalingan, pasakitan, palaliman ng line
At nandito kami ni Loonie sa Dos Por Dos para walang makita ang blind
Kasi hindi namin ma-gets kung bakit dito ka pumares sa isang libong kilogram na matres
Dating Rap Public ngayon disipulo at alagad ka na lang ng Circulo Pugantes
Lahat ng Blind Rhyme event present ka walang palya
Paano ka naging bata ni Denmark eh mas matanda ka sa kanya?
Nakakahiya ka Dave daig ka pa ni Badang
Yung career mo kasi hanggang “Panaginip” na lang
Di niyo nagets yun kanta niya yun
Panginip na lang
Ang tagal mo na nagra-rap hindi ka pa rin sikat
Tapos napili mo pang partner literal na pabigat
Isang matabang copycat na Gloc 9 na wala man lang ni-isang mabigat na punchline
Itong hippopotamus na to excited lang pag malapit na mag-lunch time
Kain nang kain wala man lang naiambag
Ang kapal ng mukha mo magpasalamat ka nga kay God
Ang cute pa naman ng anak mo manang mana kay Gab
Ay issue ba?
May anak rin ako tol
Pero may prinsipyo ako
Ikaw may anak ka pero hindi yun sayo
Katotohanan lang, tama na insulto
Minessage ako mismo ng misis mo, si Ria Raymundo
Alam mo sabi niya? Loonie si Mico walang ginawa buong Abril at Mayo
Kundi kumain at mag-ensayo kasama yung partner niyang ermitanyo
FlipTop Zoning lang yung tinatakan nya sa kalendaryo
At tuluyan niyang kinalimutan ang aming anibersaryo
Wala kang kwentang asawa
Mahiya ka at bago ko makalimutan
Nagsumbong sakin si Lil Sisa
Dun sa may SM Bicutan
Inaya mo daw sya ng inuman, sinara mo yung pintuan
Tapos nung medyo lasing na, pasimple mong hinihipuan
Anong imbento? Lahat ng kababuyan ay aking ilalantad na
Nagpapa-audition pa para magka-chicks
Bakit? Kilala ka ba? Ha?
Sa mga issue na to alam ko tinablan ka bigla ng kaba
Kasi buntis ngayon si Lil Sisa at posibleng ikaw ang ama
Real talk, mataba ka pa rin gago
Ngayon alam mo na kung bakit wala kang kasing baho
Kasi sobrang taba mo, pati si Bassilyo nabibigatan
Sobrang bigat mo lahat ng tinatapakan mong escalator nagiging hagdan
Kasi real talk mataba ka pa rin gago
Kapag may bumaril sayo sa malayo kahit nakapikit asintado
Kasi sobrang taba mo, yung balat at buto mo isang dangkal ang pagitan
Sobrang laki ng tiyan mo, pag nagba-backstroke ka sa dagat parang may lumulutang na pawikan
Kasi real talk mataba ka pa rin gago
Sobrang takaw mo pag nagdo-double time ka kinakain mo pati mga salita mo
Kasi sobrang taba mo as in sobrang taba mo
Tol ito yun mga nangyari nung sabado ha, seryoso ‘to
LA ganado, baboy kabado, ayaw matalo, away planado
Timing tantsado, B-side sarado, practice pa lalo
Para planstado kahit papano kaso tablado
Maledukado hoy tarantado kahit ano pang delaying tactics ang gawin niyo
Talo pa rin namin kayo kasi sobrang taba mo
Sobrang taba mo sa anino mo pwedeng sumilong ang dalawampung katao
Ikaw naman lagi ko tong nakikita sa kalye
Pag nag-Mr. Pogi lahat ng basurero di pa rin siya kasali
Kasi hindi na niya naaamoy ang sariling baho niya
Pano naliligo lang tong unggoy na to may nagrereklamo na
Di mo kayang aminin ang sarili mong kamalian
Kaya iisa isahin ko ang mga kadiri mong katangian
Unang una yung sex life nya synthetic at fake
Pangalawa para maka-sex yung ka-date ang pinaka-effective na technique ni Dave ay vetsin at rape
Pangatlo yung bayag nya sabi ng iba elliptical shape
Tapos yung gilagid nya mas maitim pa sa electrical tape
Ilalarawan ko ng sakto yung pagka-itim niya
Mas maitim pa sya sa nagluluksang negro sa loob ng kwebang walang tapos nakapikit ka
Tangina hindi generic yung mga panira ko na to
Sadyang sing-itim mo lang si Zaito kaya applicable sayo
Bakit hindi mo matanggap? Laos na ang makabayang rap at saka matanda ka na
Mahiya ka nga
Mas mabagal ka pa sa dial p
Anong Crazymix, Crazymix Family?
Tarantado walang ganyan
Marami na kaming nabigyan ng career, yung may career nawawalan
Gusto unlimited rounds tahanang walang hanggan?
Para tong akyat bahay versus tahanang walang hagdan
Ngayon kaharap mo na kami pare ano ang pakiramdam
Parang ginagapangan ang katawan mo ng napakaraming alakdan
Meron pa kaming dalawang hakbang na tatahakin sa hagdan
Kaya akin na yung 150,000 para wala ng damdaming masaktan
Oh ano bakit nawala na yung angas? Bakit nawala na yung angas?
Kasi nabunyag na lahat ng sikreto niyo
Salamat kay Smugglaz