Verse 1:
Sadlak sa matinding kahirapan
Laki sa gutom, pagod, alinlangan
Kabataang sawa na sa buhay alipin
Namanatang ubos-lakas na aanihin ang ginhawa
Kaya't nag-umpisa
Sa bayan at kapaligiran ay nag-obserba
Nagbasa, nag-usisa, ‘gang mapag-alamang
Ang kasaganahan raw ay para lang sa palaban
Kaya't para sindihan ang paninindigan
Umanib sa kaisang-isip na kapatiran
Sumumpa ng alay-buhay na katapatan
Sa samahan umano ng matatapang
Walang sinayang na panahon
Inaral ang kalaban nagparami ng kampon
Nagsanay upang katawan ay mapalakas
Natutong humawak at gumamit ng armas
Sa wakas, dumating na ang gabi ng pagsalakay
Masusubok na ang bunga ng pagsasanay
Tanong mo sa sarili sa paglakad nyo,
"Para san ang tapang mo?"
Chorus:
Para sa kalayaan?
Para sa karangalan?
Para sa katarungan?
Para san ang tapang mo?
Para sa pangalan?
Para sa kayabangan?
Para sa kayamanan?
Para san ang tapang mo?
Verse 2:
Bantay-salakay sa kuta ng kalaban
Ruta ay naharang, kalkulado ang galawan
Dumating nang lasing, inasinta
Agad-agad pinaulanan ng mga tingga
Sumunod at kulog ng sagupaan
Suntukan, paluan, saksakan, at tulakan
Sumbatan at murahan, habang nagpapatayan
Saka lang sumambulat na away kababawan lang pala ‘to
Mga lango sa pagbabato
Yabangan sa salitang binigkas sa kamao
Agawan ng buhay ng magkakakapit-bisig
Bunga lang ng hinala at masamang titig
(Pulis! Pulis!)
Lahat nagsitakbuhan
Wala nang sumaklolo sa mga napuruhan
Tanong mo sa sarili sa pagpanaw mo,
"Para san ang tapang mo?"
Repeat chorus