Chorus (JMara):
Dumating ang kalungkutan sa buhay kong ito
Nawalan na ng panlasa sa mga bagay na gusto
Aking enerhiya bigla nalang nagbago
Ako ay binisita ng malungkot na mundo
Verse 1 (Zaki):
Di ko inakala (Inakala)
Wala ka na pala agad na pumatak ang luha nu'ng nalaman (Nu'ng nalaman)
Sabi mo sa akin magaling ka na, wala nang karamdaman (Karamdaman)
Daya mo naman, lumisan ka, di man lang nakapagpaalam
Daming kasalanan
Dami kong hiningi pero ni minsan di pa 'ko nakakahingi ng tawad (Ng tawad)
Kinamumuhian ko aking sarili
Panahon ay lumilipas di ko man lang yun naisip
Lahat ay lumilisan, kahit na ipilit
Kahit gustuhin na permanenteng manatili
Ako'y nangungulila, di ko na mapigil
Kadalasan marami ka pang gustong sabihin
Kaso lang kamatayan ang nagpapatahimik
Sa panaginip nalang nakikita
Naglalaho rin agad tuwing gigising na
Tinutulog ko ulit kasi nabitin pa
Di ko na alam paano sisigla
Matagal ko na rin 'tong iniinda
Sino kaya ang makapgliligtas?
Di na babalik pero hinihintay
Ngayon pumapasok sa aking isipan
Para 'kong tanga, saka ko hinahanap kung kailan pa nawala
Kung bigyan ng panahon, bibihira talaga
Ang palagi niyang tanong, "bibisita ka pa ba?"
Di ko man lang masagot, busy ako't abala
Mas inuna ko pa yung usok galing sa palara
Mga aral na tinuro mo, palagi kong dala
Mawala ka man sa mundo, saking puso di maaaring mawala
Repeat chorus
Verse 2 (JMara):
Ang buhay ng tao ay napakahalaga
Masanay na tayo na sa buhay'y mag-isa
Huwag ka nang magtaka, lahat yan ay mabubura
Walang mananatili sa atin na masaya
Walang tao na maaaring makapagdikta ng kaparalan
Walang tao na maaaring di makakita ng kalungkutan
Pano ko ba lalagpasan ang mga ito
Kung parati nalang nasa loob ng kwarto?
Di ako lumalabas, binabanas, bumubulong si Satanas
Ako ay tinatanong kung nais ko bang alisan ang lahat ng ito
Wakasan ang buhay kong magulo
Lisanin ang mundong nakakalito
Maling paraan ang mabisa nga lang ay wala nang balikan ito
Di mo na dapat ibabad sa isip
Masyadong makitid, wala sa bilibid
Palitan ng kawal ang dating sinulid
Ika'y makinig at ikaw ay manalig
Hindi siya kalaban, aking kapatid
Sa bawat sigaw, siya lang ang nakinig
Repeat chorus
Verse 3 (JMara):
Dalawang taon mo din akong sinubukan
Mga ilang tanong, ah basta
Hindi ko mabilang
Habang bumubulong
Dinig ko ang patak ng ulan sa bubong ng bilangguan
Dikit-dikit, maalinsangan, at puno ng kalungkutan
Ngunit pano ko nga ba 'to nilabanan?
Unang gabi ang pinakamatinding kalaban
Ako mismo di ko kinaya, ginusto ko na mawala
Subalit may pumigil na kung ano na hindi ko na malaman
Nangangatog habang umiimik sa pagtanong sa akin ng ibang kasama ko
Hindi ako masama
Ako'y kabilang sa napakaraming mahihirap na may gusto lang na mapala
Ngunit hindi ko ibinigay ang hinihingi ng pagkakataon
Inilaban ko dalawang taon nang hindi ko binalak na
Tumalon
Repeat chorus