Album

GOOD MORNING


HYPE ONE'S
Nik Makino
2022

Intro:
Good morning, everybody
You already know who this is
It's N-I to the mothafuckin' K
I hope you doin' good today, you know
Every morning issa blessing
Every gising issa blessing
Pray, do something, continue life
Let's go

Verse 1:
Kagabe natulog kang problemado ka bro
I'm pretty sure, nagulat ka, pagmulat ng mata mo
Kasi nagising ka pa at iyong haharapin
Problemang nasa isip, pano tatapusin?
Ang solusyon ay nasa harapan na ng salamin
Bumangon ka't hanapin at iyong alamin
Di yung magdadasal ka at babalik sa kama
Para ka lang nagsagwan sa gitna ng kalsada
Wala ka nang napapala at napapagod ka pa
Bangon lang nang bangon, pre, kada dapa
Problemang na pagdaanan magsisilbing ugat
Di ka agad magigiba sa iyong pag-angat
Paghusayan mo lalo at lalo pang galingan
Kahit ang tyansang binigay suntok sa buwan
Eto lang ang lagi mong tatandaan
Sisikat ang araw nasaan ka man, Cheeze

Chorus:
May bagong pag-asa, every gising is biyaya
Kaya't bumangon na, magandang umaga
Pagmulat ng iyong mata, magpasalamat, nagising ka
Kaya't bumangon na, magandang umaga

Verse 2:
Alam ko, oo, hindi ganon kadali
Lalo na kapag laging nagmamadali
Magigising kang muli at uulit na naman
Eh kung nahihirapan ka, bakit ka nga ba nandyan?
Wala ka nang ginagawa, nagrereklamo ka pa
Tapos sasabihin mo ang malas mo talaga
Yuyuko, magdarasal, sisisihin mo pa Siya
Ikaw namang gumagawa, pre, hindi naman Siya
Paulit-ulit lang, eto na naman tayo
Isip ay gulong-gulo, gusto mo nang maglaho
Ayaw mo na sayo
Pano na silang naniniwala sayo?
Pano na yung mga nagtiwala sayo?
Pano na silang mga pumusta sayo?
Kung hihinto ka, pre, talo na kagad kayo

Chorus:
May bagong pag-asa, every gising is biyaya
Kaya't bumangon na, magandang umaga
Pagmulat ng iyong mata, magpasalamat, nagising ka
Kaya't bumangon na, magandang umaga



OTHER LYRICS

Sometimes

Sometimes
Migo Senires
2014 Single

Need You

Ex Battalion The Concert
Ex Battalion
2017 Album

Lakas Tama

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

Currently

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Turn Me Down

JCON
Jess Connelly
2018 Album

FEATURED ARTICLES