Verse 1:
Yan nanaman kamot nanaman
Ano ba yan andami ng papel dun sa basurahan
Ansabe ng konsensya mo nako itulog mo na yan
Sabi mo naman sige sigi mga sampu nalang
Na linya at maaayos ko na to
Kulang sa oras sana bukas ay matapos ko na to
Medyo malabo pero dapat lang na magawa ko
Ang dati kong libangan ginawa ko nang trabaho
Kapag pinasok mo tapusin mo tapusin
Natural pag nag ipon syempre meron kang sasalukin
Walang palugit sarili mo'y hamunin
Palalagi dapat dahil yan ang dapat mong talunin
Matulin ang takbo kaya madadapa ka rin
Habang bumibigat ang pangalan mas mahirap dalhin
Ondoy, Pedring, Milenyo man ang humarang sa daan
Tandaan walang unos na hindi kayang lampasan
Chorus:
Kaya kung meron ka problema takpan mo lang ang tenga
Kung meron ka problema takpan mo lang ang tenga
Kung meron ka problema takpan mo lang ang tenga
At ang isipin mo la la la lala lala
Lala la la la lalalala...
Verse 2:
Hi miss, kamusta
Alam kong may nagawang kasalanan yun ay tapos na
Matagal ko nang pinagsisihan pero ayos ba
Na maaya kita sa labas kahit san mapunta
Gusto ko lang na bumawi
Pagpasensyahan mo na ko sa pinakita kong ugali
Ang sa isip ko tuloy parang meron sumagi
Sana maging tayo ulit kahit kunwari
Liligawan ka ulit pupunan ng parte
Akong taya kaya tara maghabulan sa parke
Alam ko na marami ka nang manliligaw diyan
Sino ba ko para mag demand eh kaibigan lang
Kaya ako nandito gusto ko mag umpisa
Sa bahay ng isa't isa diba palagi kumbida
Ganyan dati ngayon, tapos na 'kong magsalita
Sa tapat ng salamin kasi meron ka nang iba
Repeat chorus
Verse 3:
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
Lumabas ka ng bahay nang sa ganun may magawa
Bulag ka lang sa una matuto kang mangapa
Kung mapahiya ka man hindi na yon mahalaga
Tatlong beses kang kumain sa loob ng isang araw
Yung iba tipid tipid lang sa sabaw at kaning bahaw
Tatlong beses kang kumain sa loob ng isang araw
Yung iba galing sa basura inaamag linalangaw
Wala ka na ngang ginagawa puro ka pa reklamo
Hindi mo pa nga nararanasan na maging dehado
Lahat na kaarawan mo palaging may regalo
Kailanman ay hindi ka pa nakakahawag ng centavo
Pag nagpalit tayo maaga kang mamamatay
Kalokohan ang lahat ng tao ay pantay-pantay
Isang kahig isang tuka kumakayod hanggang gabi
Dukha man kung tawagin may pangarap din kami
Repeat chorus (2x)