Verse 1 (Apekz):
Tapos na ang tagutaguan, ayoko nang maging batukan
Ngayon wala nang makaka-agaw ng ulam dun sa aking baunan
Kahit ano mang sugat yan nginigitian ko lang
Diba nga wala kang makikitang bahaghari sa katiting na ulan
Kaya gumawa ng mga barang talagang bago sa panlasa
Sino na ngayon ang bata eh sa mga likha niyong talata
May timutilapon pa na lata nasa
Indayon pa nga yata
Baka di ko na to ma control ang dami pa daw ng pagdadadaanan
Ko kaya pasensya na tol kung maka bundol
Lahat tumba alanganin umawat lahat ay paso
Kapag sa akin humawak gusto mong sumabay
Mag ama namin ka dapat akyatin ang arayat
Mag basa ng tubig at dakmain yung kawad
Palaging balanse may lalim at lawak may tapang ni David kay Goliath
Pag kinaharap mapapatingin ka na lang sa puwet mo
Kung marami kang balat kumakatay ng patimpalak at pag sa ring umapak
Inosenteng na mukhang may maitim na balak
Minsan aning aning may sapak
Malagim pa sa may labing anim na chanak
Nakapalibot at may patalim na rin na gustong gawing pang-tarak
Itinakwil ang dagat upang sakupin
Ang lahat ng lupaing matatapakan (Ako yung...)
Chorus (Apekz):
Bagong salta wag mo akong abusuhin, wag mo kong brasuhin
Lahat ng gawin mo palpak
Unang pahina pa lamang ito ng aking libro
Kaya bagong salta wag mo akong abusuhyin, wag mo kong brasuhin
Lahat ng gawin mo palpak
Unang pahina pa lamang ito ng aking libro
Ako'y isang mayor, mayor, mayor, mayor, mayor
Mayor, mayor, mayor, mayor
Ako'y isang mayor, mayor, mayor
Mayor, mayor, mayor, mayor
Verse 2 (Ron Henley):
Tuklasin natin ang hilaga mula sa katimugan
Maligo sa hiwaga ng buwan pag kabilugan
Tinatawag na tayo ng kalikasan pero mga ihi pataasan
Mananatili parin naman akong gutom kahit pa malipasan
Sari-saring pangitaing naghayag ng dadamin sa akin
Kama kailan para aking muling buklatin at ungkatin
Ang lumat at bagong tipan
Nang sa gayon bawat letra at bara
Ay mala bareta de cabra upang buksan ang isipan
Makalipad na muli ang Maria Cafra
Pakiramdam ngayon parang pinanganak muli
Tapos na ang kasuputan
Panahon na para maging tuli
Mga papel na medyo may bahagyang tupi tupi
Matatamis nilang salita ang dahilan kung ba't tayo bungi bungi
Kaya humanap ako ng pamatay sunog
Buhay ay panay pagsubok
Masalimuot pero bandang dulo alam kong may ginhawa ring dulot
Dire-direcho daanan man nati'y disyerto
Hanggang sa huling patak ng metro
Walang aapak sa preno hangang mag yelo ang impyerno
Repeat chorus
Verse 3 (Smugglaz):
Tabi tabi po pwede bang makiraan dadaan kasi ako sa gitna
Ng usap-usapan ng mga higanteng na naging pananaw ay mata ng pigsa
Sa mga munting katulad ko na laging natatapakan
Sa daan ng iba na ngayon ay hindi lang naging tinik sa lalamunan
Naging bubog pa sa talampakan nila
Kaya nga mga boss manatili kayo na nakayuko sa kada hakbang
Ingat sapagkat ang ulat ng aking mga balita'y higit pa sa sapat lang
Bilang isa sa mga responsable ay malumanay ko na ipinapabatid
Na etong laro ay di na basta torohan balian na to ng sungay mga kapatid
Oo naging bulag nga ko noon sa mga neto ko lang kinamulatan
Pero di ako pinanganak kahapon para mamatay lamang kinabukasan
Imbis na sayanging mga pagkakataon
Mga panahon ay nilbos ko na din ng husto
Sapagkat henerasyo na ngayon ng hiphop bente dos to
Di lang utak ang syang pinairal ko
Ibang klaseng karunungan na malayo sa mga kaalaman na inaral niyo
Kusa ko lang natutunan na sa makulay na tunay na buhay
Ay di napapahumpay sinuman ang sumabay
Yun lang ay kung may puso kang handang mamatay at pumatay
Para magtagumpay
Ako'y isang mayor
Yun lang ay kung may puso kang handang mamatay at pumatay para magtagumpay
Ako'y isang mayor
Yun lang ay kung may puso kang handang mamatay at pumatay para magtagumpay
Repeat chorus