Chorus:
Basta kasama ka kumpleto na ang aking araw
Tara sabay nating tingnan ang paglubog ng haring araw
Hawak ang kamay nakadantay pa walang makakaagaw (walang iba, walang iba, ikaw lang kaya...)
Tara sabay nating tingnan ang paglubog nang haring araw
Verse 1:
Habang ikaw ay kasa-kasama
pagala-gala hindi nakakasawa
bahala na tadhana, sagot na ni bathala
lakas ng tama kawawa ang baga sa kakatawa
hahaha dun tayo sa paborito mong kainan
at kung hindi mo maibigan sa chubibo maglambingan
biruin mo si kupido napagbalingan ako ng pana
maniwala ka sana di ako manlalamig parang naka pajama
asawa ang turing ako ay di na antukin
daig pa natin ang pamilya ni lumeng
mahirap habulin pag tayo magkasama
ang daan akala mo sagala, sakop ang kalsada
gusto mo sa tabing dagat, tamang inom sa may pampang
kung nakaupo lang tambay inuman habang bilog ang buwan
at para bukas, sa uulitin tayo ay magsama
balewalain ang dapat yung gusto mo yun ang tama di ba?
Repeat chorus
Verse 2:
Habang ikaw ay kasa-kasama
pagala-gala kahit san mapunta sige lang bara bara
sa atin ang mundo, sagot ko na ang pamasahe
tamang trip sago gulaman, tuhog fishball dun sa kal-yeah
dapat ganito palage, ang nangyayare
sulitin ang araw pate gabe ng makarame
kala ko nagtuturo ka, hahalik lang pala sa labe
sa kasamaang palad hindi pwepwedeng walang bawe
nasa likod mo ko parati, na parang etiketa
kung pagod ka na, angkas muna sa bisikleta
humawak ka sa bewang, baka malaglag, tawanan sa daanan
sabay sa aking kada padyak, kulitan magdamagan
kahit nasaan pa man parang mga pirata kung makipagsapalaran
at kung sakaling pagtulungan man ng agos at ng alon
tatawanan lang natin hanggang matapos ang maghapon
kung kaya, kaya...
Repeat chorus
Ang sarap-sarap mong kasama
sarap sarap mo naman na kasama
ang sarap-sarap mong kasama
sarap sarap mo naman na kasama
Verse 3:
Nandito lamang ako ikaw ba ay nangangamba akong bahala sayo (3x)
diretso lamang ang tingin wag ka nang lumingo
isipin mo na ;ang ito ang daan papunta sa ating prusisyon
pagmamahal na walng kundisyon
maglalakbay at sasabay kahit na nakaposisyon
mga harang na di maisantabi, sa isang tabi
kabilang parte naman nito malabo na mapaghiwalay nila
kame wala silang pake
Repeat chorus
Outro:
Hindi ko na namalayan na inabot na pala ng madaling araw
parang kanina lang ay nagba bye paalis ang haring araw
hanggang bukang liwayway kumaway kahit ang tulog ay mababaw
ulo mo saking balikat inabutan ng pagsikat ng haring araw