Verse 1:
Pigil na hingal mula sa mahabang paglalakbay
Patuloy sa pagtahak ng daan kahit mawalan ng kasabay
Maglalakad padin kahit mapilayan at walang umakay
Kahit na humupa ang bahaghari at magiba ng kulay
Anong hiwagang nakikita sa mga mata
Tinatagong emosyon na ayaw ipakita
Pero teka panahon na para punasan ang mga luha
Dadampian ng mga palad na nagpaparamdam ng pag asa
Lahat matatamasa lungkot ay pansamantala
Nung nasilayan sa mga mata mo ang saya parang kumikislap na mga tala
Sinundan pa ngiti mo na kumapit saking alaala
Larawan sa aking isip na nais palaging makita
Mga matang nagsisilbing tulay sa kaluluwa
Mga matang naglalagay ng kulay sa mga nakikita
Mga matang gustong magpasa ng ligaya
Ano ba ang istorya na aking makikita
Verse 2:
Tila may luha ang mata ng kalikasan
Lubusan ng nasira, inabuso at pinabayaan
Walang humpay na pagiyak ng langit dinaan na lang sa ulan
Sa pag patak nito tila lahat naramdaman
Anong nangyari sa sariwang hangin na nalalasap ko sa tuwing kumakain
Anong nangyari sa nagbungang puno na nagbibigay ng lilim sakin
Anong nangyari sa ilog na pinuno ng alaala’t paliguan natin
At sa panahong simpleng bagay lang ay masaya na’t wala ng iba pang hahanapin
Alaala ng kabataan na tuluyan ng kinalimutan
Ngayon nagkukulong na lang sa kwarto at teknolohiya ang kaibigan
Di ko din alam kung bakit ganyan na lang
Sana kahit minsan ating pahalagahan
Regalong paraisong tuluyang kinalimutan
Umaasa parin na muling masisilayan
Pero pagasa’y laging mamumuhay sa aking isipan
Parang agos ng tubig sa karagatan na walang katapusan
Pasa mo na ang ligayang dala