Verse 1:
Kung minsan ang aking mga paa'y
Nalalagyan ng hangganan sa aking paglalakbay
Kung minsan di makasabay ang aking katawan
Madalas maiwan sa layo ng nais puntahan
Sa mundong ito na patuloy lang sa ikot
Hinahanapan ng rason ng buhay sa pag libot
Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko?
Para san ang dapat paglagyan ng aking pagbabago?
Dapat bang pagtawanan ang aking bawat mga plano?
Tandaan, na di mo dapat husgahan ang isang tao.
Sakit, sarap, bigat , gaan ay pinapasan ng braso
Tahimik na saglit na lang ang aking espasyo
Sa napupunong isipan na tinatapik ang baso
Hinayaang magpadaloy ng mas mabawasan lalo
Pagkat makapangyarihan ang aking isipan
Kung minsan para bang gusto kitang sabihan
Kailangan kong mag-isa mukhang kailangan mo kong iwan
Kailangan kong mapalaya mag-isa ang naisipan
Uh, palayain ang isipan
Hayaan mong tangayin... Wag mo na muna pigilan...
Patuloy na iikot ang mundo, wag kang mag-alala
Wag mong takutin ang sarili mo sayong pangangamba...
Hook:
Uh, ito ay mundo ko..
May sariling ikot at pasikot-sikot ang mundong ito..
Ito ay mundo mo..
Ito ay mundo ko...
Verse 2:
Hanggang san ako dadalhin ng nais kong sabihin?
Pagka ba alam ko na wala na ba kong nanaisin?
Nasa akin ang sagot ngunit bakit ba ganon?
Kung minsan, madalas pa rin ang magtanong
Ang mundong ito'y kung minsan ay paikot-ikot
Sa nakaraan ay kasalukuyan ang lilimot
Ang aking ala-ala'y munting patak sa ilog
Na naging parte ng ulap sa kapalarang umikot
Kabahagi ko ang langit sa taas nyang pinamana
Ang aking pagparito'y marahil nasa tadhana
Kaya't mabuhay ka't lakbayin mo ang pagiging tao
Sumigaw ka ng payapa sa awit ng pagbabago
Ang aking karansan ay aking sinalamin
Ang bawat sandali nito'y natutong damahin
Kapalaran ang dinidikta sa dapat kong gawin
Ilang papel pa ba ng salita ang dapat bunuin?
Ayoko nang mapagod sa sulit na mga araw
Ayoko nang humabol sa oras na inaagaw
Hinayaan ang lahat , may darating na para sakin
Mas kapana-panabik kung san ka dadalhin ng hangin
Ang aking mata'y dinilat sa walang hanggang tanawin
Masaya ang makasama sa rason ng ikot natin
Kaya patuloy na bumangon para sa kinabukasan
Ang aking magagawa ang syang aking magiging yaman
Sa pamamagitan ng pagsulat sa kaligayahan
Ay aking ibabahagi ang aking naunawaan
Sa patuloy na pag ikot ng mundong ito na ang
Aking buhay ang regalo sa naging parte nito.. Kaya salamat