Verse 1:
Kamusta?
Kami ang mga Pagbabago
Sa mga sari saring tanong ng mga Tao.
Pano? Bakit? Sino? Nasan?
ang mga sagot sa lihim ng Kaligtasan
Uh ang sikreto'y disenyo rin
Balanseng nasa sentro ng likha ko bilang Elohim
Gamit ang isipan at nadarama
Pinalaya ang pagtatakang aking dinadala
Nakita ng mata kung ano ba talaga
Ang buhay sa likod na tinakpan nila ng maskara
Ang ulap sa kalangitan ay umaalon
Tumitingkad ang kulay sa liwanag na pinatong
Kumakaway sakin ang mga dahon
Ang araw ngayon ayoko ng maging kahapon
Bagong panahon na naman, ako'y bago na
Pana-panahon lang yan, bagong era na
Teka lang, pahinain mo ang hangin mo
Hindi naman palaging kabute ang kinakain ko
Wag mo 'kong pasikatan sa dilim ng kayabangan mo
Wag mo ng laliman ang rason ng kababawan mo
Sundan mo ang linya sa paglalakbay ng diwa
Mainit ang nadarama sa malamig na klima,
Lumilipad sa bukirin ng kabute sa Vista
Gumaganda ang pasok sa papalapit na Libra
Uh ang daming dapat abangan
Simple ang hindi pangkaraniwang inaalam
Ako'y pastol ng tupang magtuturo ng daan
Taga lupa'y maghanda kayo'y aming lalapagan
Hook:
Abangan niyo na lang... Kayo'y aking lalapagan...
Abangan niyo na lang... Kayo'y aming lalapagan...
Verse 2:
Reyalidad at ilusyon, hawak ko na mismo
Sa gitna ng dalawa ang aking paraiso
Ako'y naliwanagan sa bahagi ng talino't
Kung minsan di ko na makita ang aking anino
Ako'y nakalambitin sa puno ng pagtataka't
May hawak na balanse ang nakapiring mga mata
Ang nakapiring mga mata
Alam mo na
Kaya magtiwala pag sinabi kong bahala na
Ako'y wala sa mapa ng isipan mo kung nasan ka
Malayo na sa lalim ng taas kong binabawan na
Ako ang katunayan ko na may napatunayan na
Ang aking pang-unawa ay kung pa'no ko sabihan ka
Mabigat na magaan ang linya pag kinumpirma
Naiiba.. Ayoko nang makipaglaban pa
Hanggang dito nalang muna.. Paalam na