Verse 1:
Isang araw nagising na lang akong ganito
Di ko namalayan kung kailan ako naging ako
Basta sa isang kisap mata biglang may nag-iba
Ganito pala kapag ika'y nakakakita na
Madalas lumakad ang isipan sa pagtataka
Natutong lumipad at tumahimik sa pagpapasya
Nakuhang mag isip, kung pa'no ba lumaya?
Namagitan sa gitna ng mali at mga tama
Isang araw nagising na lang ako
Ang dami ng nagbago sa sarili kong mundo
Tingnan mo kung pa'no ko basahin ang litrato
Kung pano ko ipaliwanag ang mga malabo
Natatakpan ko ng tanong ang bawat tinatago
Nasasagot ko ng rason ang bawat kapiraso
Nagbibigay pansin ang madamot magtiwala
Gusto nilang subukan ang aking paniniwala
Ang katotohanan ba ay para lang ba sakin?
Sa aking opinyon, ang paliwanag ay gawain
Akala ko'y malaya ang tumatakbo subalit
Mas nakakulong sila sa paglayong tanong ay "Bakit?"
Ang reyalidad na sinumpa nila'y kanilang galit
Yan ay ang responsibilidad ng buhay sa pag gamit
Naniwala ka sa pera pero saking mga sabi
Nagawa mo pang tawaging kalokohang talumpati
Marahil nga kaibigan ko lang ang nakikinig nito
Sana balang araw maintindihan mo rin ako
Hayaan mong sabihin ko ang di mo pa masabe
Ang tama at mali naman nito ay ang balanse
Hayaan lang... Sabi nga nila hayaan lang...
Di ko gagamitin ang talino sa katamaran
Naging malikhain, katibayan ang konsepto
Wag mo 'kong iligaw sa lalim ng iyong komento
Kailan mo matatanggap? Na di ako perpekto
Ang naiiba'y paniguradong walang kapareho
Ayoko na nga sanang maging tunog mayabang
Kaso minsan ito na lang ang aking pakinabang
Sa napili kong pag gamit ng sariling kalayaang
Magsulat ng aking panibagong kasaysayan
Gamit ang sarili nating wikang mahiwaga
Kung di mo pa ramdam, di ka pa naniniwala
Sapagkat iba ang dapat mong malaman sa makita
Ibahin ang ruta sa daan ng aking mga linya
Wala na sa eksena ng nagkandarapang pila
Pagkat aking pagdating ang pagpalit sa mga siga
Hook (2x):
Nandito na ang bagong alamat!
Nandito na ang Bagong alamat!
Nandito na ang Bagong alamat!
Bitbit ang aking mga tunay na kwento!
Verse 2:
Isang araw, nang magising na lang akong
Natauhan sa sagot ng aking mga tanong
Ay natagpuan ko ang pangarap na rason ng buhay
Na akala ng iba ay imposible ang patunay
Silang mapangmata na parang birong nagpapasaya
Sa di matawanang pangarap na aking dinadala
Kayo ang lapis ko at pantasa
Salamat sa nagiging parte mo kapag kasama ka
Tandang tanda ko pa ang sabi ng aking ina
Wala na raw akong karapatang magpahinga
Ang pangarap daw ay para lang sa oras na tira
Kaya't pasensya na kung minsan para sakin ay mali ka na
Gayunpama'y mahal parin kita
Pati sila na nasa sistema ng kapwa biktima
Lahat kayo'y ugat ng pag-ibig ko't pag-asa
Kadalasan man na salungat sayong mga akala
Kaya bahala na ang katotohanang magpasya
Tandaan na desisyon ang pagiging masaya
Kaya sige lang subukan nyo kung hanggang san ang kaya ko
Mainam na pagtulong ang pagsubok nyong binabato
Nakakaganang maglaro
Sa seryosong mga bagay na akala ko'y santo
Para sakin ay pangarap na lamang ang kailangan
Sa walang katapusang paghahanap ng kasiyahan
Kaya ako ang paparating na katibayan
Hatid ng mga saksi at kasabayan
Mula sa nakaraan at kasalukuyan
Hanggang sa hinaharap ng aking kasagutan
Dapat ay handa, yan lamang ang kapalit
Ng katotohanan na may masarap at masakit
Sapagkat matamis ang kalayaan sa pait
Kadalasang husgahan ang masama at mabait
Anumang kwento nito
Parang ikaw at ako
At natural yun, para balanse