Chorus:
Mga pangarap na hinahanap ay abot kamay mo na
Pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pagsikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Kung samin (sumama ka samin)
Kung samin (lumapit ka samin)
Kung samin (makinig ka samin)
Kung samin, sisikat ka
Kung samin (sumama ka samin)
Kung samin (lumapit ka samin)
Kung samin (makinig ka samin)
Kung samin, yayaman ka
Kung samin (sumama ka samin)
Kung samin (lumapit ka samin)
Kung samin (makinig ka samin)
Pakingan mo ang mga kwento ng industriya
Verse 1:
Ito ay ang mga kaganapan sa buhay
Ng isang tao sa mundo ng iba't iba ang kulay
ilaw na patay sindi, kahit na hindi gabi
Malalakas na tugtugin na nakakabingi
Pero ito ang dinasal, ito ang hinagilap
Kapalit ng pagaaral kahit tila mahirap
Habulin, hulihin, lunurin, baguhin ang sarili
Matulin-tulin bunutin kapag natibo ka ng bote sa paa
Dapat lagi kang nakatapak sa lupa
Kahit na alam mo ang puhunan mo'y dugo at luha
Meron kang dala dalang hindi alam ng iba,
Lamunin man ng kaba, ininsayo mo na
At hinding hindi ka papayag na di mo maabot
Kahit ulitin pang iyong layo't laot may mahamog
Madilim at malayo, maalon na daan
Kahit ano pa yan kanyang lalampasan
Repeat chorus
Verse 2:
Liwanag na nakakasilaw, simula sa araw
Palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw
Sigawan ng mga tao, kahit saan magpunta
Ikaw lang ang gusto nila at wala nang iba
Kahit anong iyong gawin ay kanilang bibilhin
Makita lang ang kinang ng iyong bituin
Sa bilis ng pangyayari hindi mo namalayan
Bagong bahay, lote, kotse, lupa, at kayamanan
Ang nasa iyong kamay na gustong kamayan
Ng lahat kaibigan na hindi mo na bilang
Palaaging nakaakbay gusto palaging sabayan sa daan
Papayungan ka pag umuulan
Ika'y nawili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali kasi alam mo ikaw lang ang sikat
Sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Sa dami ng iyong hawak naging bangungot ang...
Repeat chorus
Verse 3:
Panahon ay dumaan, naging pangilan-ilan
Ang pag sampa ng entablado nakalimutan
Ang mga awit na inawit malalakas na hiyaw
Bakanteng upuan ang nakikinig lang ay ikaw
Sa isang iglap tila wala nang nakkakilala
Di mo matanggap kasi wala nang nakakaalala
Dumating ang tagtuyot nang walang kamalay malay
Malungkot dahil hindi ka nagtatabi ng palay
Nung sagana sa lahat madami kang kaibigan
Na akala mo ay hinding hindi ka tatalikuran
Iyong napag alaman nang ika'y mapag iwanan
Matapos ng lahat ikaw ang pinagtatawanan
Dahil nawili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali ngayon alam mo na hindi ka na sikat
Ang layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Humawak ka dahil pwede pang mabawi ang...
Repeat chorus