Pre-chorus:
Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito'y babalik sayo
Maraming beses man lumisan pa sayo pa rin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita
Chorus:
Seaman ang tawag sa amin
Iba't-iba man ang gawain
Halina't kilalanin mo
Ako... Man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangan unawain niyo ako
Verse 1:
Si Domingo Evagelista, ako'y nanggaling pang probinsya
Lumowas don sa Maynila baka sakali lang kumita
Ng pang gastos sa bawat araw nangangarap na balang araw
Mag sagwan sa malaking bangkang ang tawag ay barko
Taga hugas ng pinggan pagkatapos ligpitin ang pinagkaina
Uniporme kong puti na palaging madumi huwag niyo nang tignan
Inyong pakinggan ang kwento ng bawat tao sa dagat pa lutang lutang
Sa tubig alat makapag trabaho ang tanging balak
Para sa pamilya handang sumabak ang mga...
Repeat chorus
Verse 2:
Ako'y mangaawit sa barko pag gabi tawag sa akin ay Rey
Pero pangalan ko ay Rene sunod sunod ang mga tip
Kaya lagging may pang bili kahit ano kakantahin
Basta malakas ang tili kapag bumirit kinikilig lahat ng kababaihan
Oo ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan
Halo halong pabango na ang kumapit sa unan
Hindi na mabilang kaya ngayon may karamdaman
Ako naman si Tonio ang kanang kamay ng kapitan
Asinsado na tila ba walang mapaglagyan ng salapi
Pag uwi mahirap mag ngiti parang mali
Ang tubo ng mga iniwang kung binhi
Nalulong sa bisyo at tumigil na sa pag-aaral
Palaging naka ngiti at kilos ay tila mabagal
Ang mahal kong asawa tangay ang lahat ng tapal
Karangyaan pa pala ang siyang dahilan ng sagabal sa buhay
Repeat pre-chorus
Verse 3:
Napunasan ko na po ang kahulihulihang plato
Nalinisan ko na din at mabango na mga banyo
Habang nag papahinga at mag isa sa aking kwarto
Pa ulit-ulit kong sinasabi ang aking pangako
Saking pamilya at mga anak asawang naiwan sa Pilipinas
Nakakaiyak man di binitawan larawan niyo
Kahit pa nasusuka na ako sa alon
Ang inyong kinabukasan ang siyang tangi kong baon
At nang lumaon ay makauwi sabay na umahon
Sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon
Pero sana'y maintindihan upang muling masindihan
Natin ang kalan at malagyan ng hapagkainan
Lalayo muli dadaong sa ibang bayan
Kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan
Sampu ng mga kababayan ko na tinitibayan
Pagasa na tangan-tangan na sing tibay ng kawayan
Repeat pre-chorus and chorus