Intro:
Yeah..
Kapag mahanap mo na yung tunay mong mahal
Wag mong bibitawan
Dahil.. ang pag-ibig
parang panaginip lamang
Kapag lumaho yan, wala na..
Verse 1:
Una tayong nagkilala sa eskwelahan
Magkaaway sa debate, nauwi sa biruan
Kahit salungat ang pananaw, respeto'y nabuo
Dahil dito ko nakita na ika'y totoo
Pulitika, pilosopiya, at ibang paksa
Pati na kung ano ang mabuti sa bansa
Pareho nating nais na baguhin ang mali
Sayo ko natutunang kailangan magsilbi
Nakita natin ang kagandahan sa isa't-
isa nating aspirasyon at pangarap
Palitan ng ideya at hiraman ng libro
Unti-unting nahulog ang puso ko sayo
Ako'y nagkumpisal ng aking pag-ibig
Kinabahan ako sa sama ng 'yong titig
Sabay sabi mo, "Kaya mo ba sa palaban?"
Sabi ko "Oo naman", tapos ako'y hinalikan!
Chorus:
Ang buhay natin
Sadyang alipin
Sa ating kapalaran
Ang 'yong mukha at iyong ngiti
Ay isang panaginip lamang
Verse 2:
Paglipas ng ilang taon, unti-unting nagbago
Gusto mong makibaka, gusto kong magtrabaho
'Di naman sa 'di ako pabor sa pagsilbi
Pero bago ka tumulong, tulungan ang sarili
Yan ang aking pananaw, hindi niya matanggap
Umabot pa sa punto na tinawag niya akong duwag
Madugo, masakit ang aming mga palitan
Dinaan nalang sa pakikipagtalik ang pasan
Umabot sa punto na hindi na umubra
Ang pag-aadya namin na "Sorry na, diba?!"
Tinanong ko sa kanya, ano ba ang masama
Na kami'y magpakasal, mag-alaga ng anak?
Sinabi niya sa akin ng diretso't mahinahon
Mahal kita pero mahal ko rin ang taong bayan
Kung 'di mo to tanggap, magpapaalam na ako
Sabay ako'y hinalikan, siya'y paluhang tumakbo
(repeat chorus)
Verse 3:
Sa trabaho, ako'y nakatanggap ng text
"Kumusta ka na kaibigan? This is not a test!"
Agad-agad namukhaan ang ganitong biruan
Na tanging ako at siya lamang ang nakakaalam
Lumipas na ang galit, pero yun lang ang nagbago
Ang pag-ibig sa isa't-isa'y hindi nagbago
Napadpad sa Mindanao, naging volunteer doon
Tumutulong sa pagluto, pagturo at paggamot
Uuwi siya ng Maynila pero saglit lang
Pagbigyan ko raw siya, kahit one date lang
At sa petsa na nakalaan sa aming pagkikita
Napanood ko sa telebisyon ang masamang balita
Bente ang patay kung saan siya nadestino
Karamihan ng biktima'y bata't boluntaryo
Dapat noon palang, 'di kita binitawan
Nakaw na sandali, parang panaginip lamang..
(repeat chorus 2x)