Album

Loob Ng Kabaong


Loob Ng Kabaong
Apoc
Producer: Apoc
2017

Bakit ba maraming nagsasabi na

Ang katapusan ng planeta na to'y malapit na

Kung isa ka sa kanila, pare yari ka

Pagkat ito nama'y kasalukyang nangyayari na

Putangina nagsisiputukang mga bulkan

Budburan ng apoy at abo ang kamunduhan

Nakatutustang haring araw, La Nina'ng walang humpay

Mala-asidong sinag, piniprito ka ng buhay

Walang kristo kristo pag ang ipo-ipo

Nagsimula mag-sirko dito, wasak kung sino-sino

Handa ang milyong nitso kapag  lumindol dito,

Libo-libo tinupi o dinurog nang pinungpino

Mga bagyo: alam na malagim ito

Lagpas gusali na baha ang mismong  sasapitin mo

Daan-daang siyudad, nakalubog sa likido

Mistulang sementeryong nag-anyong dagat pasipiko

Ngayon aminin mo, di ba nangyayari to?

Halik ni kamatayan ay dumapi na sa labi mo

Agaw-buhay ang mundo at kung aaralin mo

Nasa gitna na tayo ng huling paghinga nito kasi

Populasyon dagsaan ngayon

At bagong nakakamatay na sakit kada-taon

Wala pang rasyon ng lunas para sa mga 'yon

Kaya resulta ay mga pamilyang naka-kahon

At bawat nasyon, simot kuryente sa planta

Kapos sa tubig at pagkain ng mga masa

Malawakang pagkagutom ay laganap sa mapa

Matanda at mga bata bulagta sa kalsada

Kaya puro lang gulangan

Dugasan, para lang sa buhay ay lumamang

Sugal lang, sa butas ng karayom pa dumaan

Kaya para lang sa tinapay, may handang pumaslang

Luhaan... nang dahil sa gera

Sa langis at politikal na karera

Teritoryo, prinsipyo, rehiliyon, at sa pera

Gera para sa lahat ng klase na tema

Ang planeta nangangamoy bangkay

Kumalas na ang huling tuyong dahon sa tangkay

Kung tumitibok ang puso mo, wala na 'yang saysay

Kasi kung iisipin, matagal ka nang patay

 

Hook:

Bakit ka pa nagaabang ng kamatayan ng mundo

Kung sa lapida'y nakaukit na ang pangalan mo

Katotohanang tumatagos hanggang buto

Dumungaw ka kaya sa bintana ng kabaong mo

Ba’t ka pa nagaabang ng kamatayan ng mundo

Kung sa lapida'y nakaukit na ang pangalan mo

Katotohanang tumatagos hanggang buto

Dumungaw ka kaya sa bintana ng kabaong mo



OTHER LYRICS

Sometimes

Sometimes
Migo Senires
2014 Single

Fix Da World Up

Mastaplann
Mastaplann
1993 Album

Pilosopiya

Pilosopiya
Sayadd
2011 Single

Takip Silim (feat. Regine Velasquez-Alcasid)

Liham At Lihim
Gloc-9
2013 Album

All I Know

Good Problems
WAIIAN
2020 Album

FEATURED ARTICLES