Verse 1:
Mabuhay nang maayos at lubos
Magbigay sa kapwa, magmahal ng taos
Gusto kong tikman ang sarap ng buhay
Hawakan ang bukas sa 'king mga kamay
Makita (alin?), makita (alin?)
Makita ang liwanag sa gitna ng dilim
Ayoko sa dilim nagdidilim ang paningin
Ang kalayaang inaasam ay ibigay mo na sa akin
Mabuhay (ng tunay) makulay (ang buhay)
Ang luha'y ialay sa mga buhay na hinalay
Ang buhay natin 'di kayang hamakin
Ipagtanggol ang karapatan natin
Chorus 1:
Katarungan, ito ang gusto ko!
Kalayaan, ito ang gusto ko!
Kapayapaan, ito ang gusto ko!
Karapatang pantao, ito ang gusto ko!
Kalikasan, ito ang gusto ko
Kabataan, ito ang gusto ko!
Kaibigan, ito ang gusto ko!
Sa buhay kong ito, ito ang gusto ko!
Verse 2:
Gusto kong lasapin ang tamis ng panahon
Maniwalang mahigitan ko pa ang kahapon
Ayokong mawalan ng pag-asa
Gusto ko ng masasayang alaala
Sama-sama, sari-sari, sabay-sabay
Sabay sumasakay sa gulong ng buhay
Mapaitaas o mapailalim
Ang tao'y natitibo pag tumakbo nang matulin
Relax ka lang at wag kumilos nang madalos
Kumilos nang maayos at umiwas ka sa galos
Iisa lamang ang ating katauhan
Bigyang kahulugan ang kasalukuyan
Chorus 2:
Karangalan, ito ang gusto ko!
Kalusugan, ito ang gusto ko!
Kabutihan, ito ang gusto ko!
Sa buhay kong ito, ito ang gusto ko!
Kagitingan, ito ang gusto ko!
Kasipagan, ito ang gusto ko!
Kapatiran, ito ang gusto ko!
Sa buhay kong ito, ito ang gusto ko
Yeah!
(scratch)
Repeat chorus 1 and 2