KG:
Umangat ang iba di makuha matuwa
Naluha sa saya ako naluhang masuka
Namulat na nga, nakuha pang mangutya
Nadura ka na nga, nakuha pang manguya
Kasi nakain ang isip may tinik sa dibdib niya
Madilim dyan sa gilid nainip sabay mainit pa
Akin ng napunit napilit latay sa gilid niya
Sakim ang mata at bibig, anay sa paligid niya
Kasi di mo naman akalain na gusto ka pala sirain
Nakahiling ama namin, ikaw ang wawasakin
Palihim kang titirahin takbo ng isipan natin
Patalikod ka sisirain pag kaharap ikaw naman aakayin
Parang mga sakim na hindi na mapapaamin
Kung di ka gagalangin di ka rin hahanapin
Ikaw ay dadaanin sa paninirang di mo akalain
Ikaw ay yayayain papunta sa iyong tatahakin
Ikaw ay yayayain papunta sa iyong tatahakin
Kung kailan mo pinatay, saka humaba ang buhay.
Kung kailan mo nilagay, saka nawalan na ng kulay
Tungkol nga sa kandila at kulay ng mga buhay
Napasuray sa kabila at naputol na tulay
Sa maling kalabit may buhay kapalit
Dating ka-kapatid may tulay napatid
Nakangiting kapalit, tunay ay kagalit
Nakatingin pabalik, sungay ay babalik
Wrathsol:
Nandyan ka ba? Ako'y kumakatok hoy! Nandiyan ka ba?
Di mo ba ako marinig!? Hoy! Nandiyaan ka ba?
Taliwas sa pagka pikit, pero nasan ka na?
Taranta ka? nang malaman na iyong dalang haba?
Ay walang kasa? Sa pag kasa, Sagad sa katangahan ka! oo tangama ka! oo tangama ka
Kamusta? Aking kaibigan sa kabilang ibayo, nakailan na tayo
Sa pagbilang ng kalyo, pudpod na ang pagisip sa paghimay ng talo
Mahinaang palo, kailangang bago!
Wala kang pakiramdam nasa sahig ang kokote
Walang pakinabang hilig niya pa rin mangamote
Tapos magwawala dahil lang sa alitan sa bote
Ito'y linyang panakal sa boses na tila garote
Anong bilang mo utol? na bilang kaputol?
Uunahin pa yabang na iniisa isa akala mong ang linya at mga ka rima ay pang bukol?
Pero sila ba ay tutol? Sa siniliban na kubo?
Magkakalat ang kabi-kabilang burol pag ako ang kumalas at nagsimulang umungol