Araw araw nalang ba ganito?
Panibagong gunita, panibagong gulo
Kapeng mainit, sinisipsip habang nagiisip
Kalayaan ay kailan kaya makakamit?
Oh di bale, paano ba?
Sino bang may pera?
Nagugutom na ang pamilya
Sa hangin nalang umaasa
Kailan ba matatapos to?
Kasi ayaw ko na
Oh Diyos ko!
Gusto ko nang tuldokan ang paghihirap ko
Di mo lang alam
Mahirap maging mahirap dito sa mundo
Mahirap maging mahirap dito sa mundo
Mahirap maging mahirap dito sa mundo
Mahirap ma...
Di nyo lang alam
Oh bakit ba? Kung sino pa ang may kaya
Sila pa yung maiingay at namumroblema
Di niyo ba nakikita nagdudurusa
Kalagaya'y malala
Nawawalan na ng pag asa
Kailan ba matatapos to?
Kasi ayaw ko na
Oh Diyos ko!
Gusto ko nang tuldokan ang paghihirap ko
Di mo lang alam
Mahirap maging mahirap dito sa mundo
Mahirap maging mahirap dito sa mundo
Mahirap maging mahirap dito sa mundo
Mahirap ma...
Di nyo lang alam
Ilang oras nang nakatutok sa salamin
Sa loob ng kwartong napakasikip at madilim
Naluluhang mga mata't nanginginig ang mga labi
Habang ang pisi na sa leeg ay itinatali
Ako'y nag iwan ng liham, inilagay sa kama
Sabing "salamat mga anak sa pagunawa"
Tumingala sa langit habang naka patong sa bangko
Patawad sa lahat ng kasalanan ko
Oh Diyos ko!
Kailan ba matatapos to?
Kasi ayaw ko na
Oh Diyos ko!
Gusto ko nang tuldokan ang paghihirap ko
Di mo lang alam
Mahirap maging mahirap dito sa mundo
Mahirap maging mahirap dito sa mundo
Mahirap maging mahirap dito sa mundo
Mahirap ma...
Di nyo lang alam