Verse 1:
Parang gulong nga lang ang buhay tuwing nasa ilalim ka
Emosyo’y nanggagaling sa pait ng hirap at timpla
Ika’y paiiyakin pa, tulog ng may iniinda
Gutom ay isasabay nalang sa pagpapahinga
Mapa-isip lang, iiyak kang parang inaapi
Ngunit muta nalang bukas ang luha mo kagabi
Ang paggising ay bagong hamon sa loob ng maghapon
May gawaing patong-patong muna bago makalamon
Kung anong tiis kahapon ay ganun pa rin sa bagong
Parating mo na araw damputin pa rin ang tapon
Sa hirap na lumalason ay tila nakakalong
At mas lalong lumabong makabangon pagkat masyadong
Dumadami na kaming mga may iisang daing
Natutulog sa sahig at di malinis na sapin
Ngunit hindi nag-alinlangan adhikain ay ilaban
Nagpatuloy mangarap sa kabila ng kahirapan
Chorus (2x):
Tumayo ka sa higaan ang alas mo’y kasipagan
Ang higante mong kalaban ay sariling kahirapan
Kabila ang mga hamong di mo pwedeng pangilagan
Kailangang pag-aralang lagpasan ang kahinaan
Verse 2:
Nung natila di titila ‘sang bagay pakikita
Sa pagpapakatibay, humihina’y bibihira
Puro hanap pakinabang lang sa mga nasisira
Umaasa sa bihirang matira ng masisiba
Makikita sa mata ko na ang maging sagana
Ay mithi kong parang buhat nalang ng salitang sana
Ngiti ng batang kapatid mo ang siyang pampagana
At tagapag-paalala ng panatang mag-tiyaga pa
Kahit sawa ka na sa pagtiis ng kawalan ng laman tiyan
Mabilis ang pagnipis ng katawan
Puro hirap nga naman pero imbis na mawalan
Ng pag-asa’y mas nagbuwis pa ng pawis at lakas ng kalamnan
At lahat ng bigat na buhat ay nagtatagal
Ang puhunan ay tiyagang kasama ng pagdarasal
Dahil sa likod ng aking pagkahikahos
Ay mayroon akong paniniwalang di tulog ang diyos
Repeat hook
Verse 3:
Trabaho, masyado nang hadlang sa pagtaba mo
Ngunit ang tanong paano ka na pag nagpatalo ka sa pagod?
Kada sahod problemado pa sa plano
Sa dami ng kailangan ay kakasya pa kaya to?
Kaya dapat magtiis, konting tiris lamang sa ulam
Kailangang magtipid at magsilid ng tira upang
Bukas ay may makukuhang dagdag kapag nagkulang
Ang pagkain namin kadalasa’y galling lang sa utang
Gusto kong maging doctor upang matulungan
Ang ngayo’y unti-unting nagkakasakit kong magulang
Gusto kong maging guro upang maturuan
Mga kapatid kong di pinagsawaang kaharutan
Kahit may kalabuan sige lang at sasabay
Daig pang magpulot ng kalat ng di gamit ang kamay
Pero di bale na pinanganak naman akong sanay
Mabuti nang lumaban bago pa tuluyang mamatay
Repeat hook (4x)