From A Fan's Perspective

Balikbayan Para Sa Ahon 13 (Mula Sa Isang Fan)

Basahin ang mga saloobin ng isang balikbayan na hip-hop fan tungkol sa paparating na Ahon 13.

Jaime Macadangdang
November 29, 2022


Matagal-tagal na rin mula nung pinakahuling event na inattendan ko sa FlipTop. Bwelta Balentong 5 pa yun, yung pinakahuling event ng FlipTop sa B-Side nung 2018. Ilang linggo kasi pagkatapos nun, tuluyan na akong umalis papunta ibang bansa upang makipagsapalaran at maka-ipon. Kaya namiss ko rin talaga ang lokal na eksena. Halos apat na taon din yun. Bilang first time na mag-aabroad, nakakabaliw din pala talaga mapalayo. Ika nga ng paborito kong kanta ni D-Coy: "Crazy, crazy world!" (rest in peace po idol!)

Malayo man ako sa Pilipinas ng halos apat na taon at bagot minsan sa trabaho, kahit papaano ay nababawasan ang kalungkutan at pagka-homesick ko kapag naaalala ko lahat ng magandang bagay sa Pilipinas.

Napapawi ito kapag nakakausap ko ang pamilya’t mga kaibigan, nakikinig at tumutuklas ng mga classic at bagong labas na Filipino Hip-Hop, at siyempre pa.. ang panonood ng FlipTop.

Masigasig kong sinubaybayan ang malulupit na mga laban, pati ang mga kaganapan sa Isabuhay mula 2018 hanggang ngayong taon. Serbesa, pagkain, at panonood ng FlipTop sa YouTube ang formula ko para sa aking relaxation. Iniipon ko ang mga nauupload na bagong laban ng FlipTop sa YouTube para i-marathon sa libre kong oras. 

Pinili kong ganito ko panoorin ang mga laban upang mas magkaroon ng thrill at hype. Sa nakalipas na 4 taon, marami akong laban na napanood na hinding-hindi ko makakalimutan. Wala na lang akong babanggitin na specific na laban kasi.. Basta! Anlupit talaga ng mga laban! Haha. Bilib ako sa liga at sa lahat ng bumubuo nito dahil kahit pandemic, ang husay pa rin ng kalidad ng mga inilalabas na battles. Pansin ko rin na mas lalong gumanda ang video quality at ang editing, pati na rin ang pag-integrate ng pre at post interviews sa umpisa at dulo ng isang laban. Sobrang lupit din nung FlipTop Sound Check, yung bagong segment na pang behind-the-scenes ng FlipTop events. Mas lalo akong nahahype pag ganun. Interview pa lang, alam mo na agad na magiging dikdikan ‘to.. 

Malapit na rin ang pag-uwi ko sa Pilipinas, at isa sa mga naisip ko agad pag-uwi ay manood ng Ahon 13 sa Day 1 at Day 2 nito. Dalawang araw ng non-tournament battles na solid at syempre.. ang Isabuhay 2022 Finals. Nung nabalitaan ko na bumalik na ang live events diyan sa Pilipinas, nangarap din ako na sana makanood ulit ng FlipTop. Yung FlipTop Festival, swerte kayong mga naka-attend kasi base sa mga napanood ko na live performances sa YouTube at sa comments, sooobrang lupit yo! Kainggit kayo huhu.

WATCH HERE: The FlipTop Festival (Day 1) and The FlipTop Festival (Day 2)

Pero eto na nga.. sa wakas, makakanood na rin ako ng live ulit.

Kahit hindi pa nilalabas ang mga line-up at poster ng Ahon 13, excited na excited na talaga ako. Naglalaro na sa isipan ko yung mga posibleng line-up na magaganap, lalo na't Ahon ang event na 'to. Excited, hindi lang dahil makakanood na ulit ako ng live kundi mararanasan ko na naman ang saya na maging kasapi ng hip-hop dito sa Pilipinas. Kasaysayan na naman.

Bilang isang battle rap fan mula nung natuklasan ko ang FlipTop nung 2010, maraming pagbabago na ang nangyari. Ngunit sa kabila ng mga pagbabago na yun, nandito pa rin ang FlipTop. Malaki ang pasasalamat ko sa FlipTop at sa buong Filipino Hip-Hop community dahil isa sila sa mga humubog sa kung sino ako ngayon. Marami akong natutunan sa sarili ko at mga nakilalang kaibigan dahil sa hilig para sa Filipino Hip-Hop. Dahil sa FlipTop, natuto akong tuklasin ang mundo ng hip-hop dito sa Pilipinas at ma-appreciate ang husay sa artistry ng sariling atin. Ang masasabi ko nalang talaga, napakasarap mabuhay sa era ng hip-hop ngayon! Napakaraming mga bagong papakinggan at tutunghayan, iba’t ibang mga movement at gigs, at walang katapusan ang pagtuklas sa loob at labas ng Filipino Hip-Hop.

Talaga namang.. it's a great time to be alive for Filipino Hip-Hop.

Napakanostalgic kapag may paparating na event tapos mag-uusap na kayong magkakaibigan kung makakapunta ba sila lahat. Magpapalitan pa kami nyan ng mga predictions namin sa mga result ng laban habang papunta sa B-Side (salamat sa mga alaala at CR na malupit, B-Side :<). Yung mga kaibigan ko na yun, may iba na nasa abroad na rin at merong iba na nasa Pilipinas pa. Sayang hindi kami makukumpleto ngayong Ahon dahil “life happened” pero may next time pa naman (sana huhu). Excited na akong magpapicture sa mga idolo kong emcees at makasama ang mga kaibigan kong matagal na hindi nakita for 4 years.

Kaya FlipTop, mag-ingay para sa paparating na #Ahon13 oh! See you mga lods! Peace out.

 

(Abangan ang mga announcements sa official Facebook at Twitter pages ng FlipTop)



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT