Verse 1:
Naranasan mo na bang pag-gising mo palang
Ay may naka abang na sa'yo na hahadlang
Upang di maka hakbang.at di ka naging handang
Punan lahat ng patlang 'tungo sa dulo ng baitang
Bituka'y naging halang, masakit ang balakang
Dahilan suot mo ang sinturon na di maluwang
Wala kang magawang paraan kasi talagang
Buhay mo ay para bang kape mo na matabang
Laging may naka ambang pagsubok na malamang
Kahit na magmatapang susuungin pagapang
Wala kang katuwang at wala ka nang puwang
Ang naiisip hanggang sa tuluyang ma-buwang?
Ako Oo! Kaya nasan ang pitsel, baso, yelo, at lamesa
Upuan, pulutan, kaibigan at serbesa?
Paikutin ang tagay at sindihan ang usok
Habang nakikinig ng musika sa sulok
Chorus (2x):
Kasi sa ganitong paraan ko lang napapa bangoooo
Ang nakasusulasok na buhay sa mundo
At ang sagot ko sa lahat ng katanungan ay tangoooo
Kapag sa alak ay lango
Verse 2:
Hindi ako taong mabisyo, wag nang ipagpilitan
Sadyang gulung-gulo lang at walang mapag pilian
Kundi takasan ang kadiliman na sa akin ay bumihag
Baka sa pag pikit ko ang sinag 'sakali'y maaninag
At maliwanagan ang isip, mabawasan ang pagkalito
Kung ano ang rason sa lahat ng mga naranasan ko, ba't ganito?
Katulad din ba kitang iniwanan ng mga kaibigan at nobya?
Pati pamilya muntik narin, swerte ka lang pag hindi nagka pobya
Ikaw ay bumagal at huminto, sa karera mo ay huli ka na
At ang tanging pinagpapasalamat mo nalang na ikaw ay humihinga
Lagi may tama kahit mali para manhid habang mahimbing sa pag tulog
At di mahambing sa bangungot ang lahat
Kasi kung kumunoy ng problema'y abot leeg na parang sinakal
Sino ang hindi magnanais na magpatiwakal?
Kaya bago ang dalawang paa ko ay mag pantay
Kung meron man kayong dalang alkohol tara kampay!
Repeat chorus
Verse 3:
Ikaw na nasa taas, bakit mo ba ko biniyayaan?
Ng talento at hindi nalang sa ibang tao mo hinayaan?
Pakiramdam ko kasi dati mo pa 'ko pinabayaan
Dahil hanggang ngayon,ang marinig manlang,'di mo pa nga 'ko pinapayagan
Ang hirap, regalo ba 'to o sumpa,tama o mali
Dapat bang itigil o 'pagpatuloy,bilisan ba o 'wag mag madali?
Bakit kahit sinasabi nila na mahusay ako't may patutunguhan
Ay naliligaw parin, minsan ay takot, di ba tutulungan?
Isinilang akong dukha kaya itinuring ko tong kayamanan
Na kanilang bibilhin pero hindi ko rin naman makayanan
Sapagkat libre ang mangarap, may bayad kung tutuparin
Ang tamang daan di matandaan, may katandaan na andito parin
Bakit yung iba, mas kilala kahit di naman sila kagalingan?
Samantalang ako mula pa noon ay meron lang isang kahilingan
Yon ay kung mamarapatin mo pwede bang alamin ko ang yong balak?
At kayo na nakikinig pwede bang pahingi ako ng alak?
Repeat chorus
Outro (2x):
Kaya nasan ang pitsel, baso, yelo, at lamesa
Upuan, pulutan, kaibigan at serbesa?
Paikutin ang tagay at sindihan ang usok
Habang nakikinig ng musika sa sulok