Ang sabi ni Rico J.
Tayo ay lupa lamang
At sa plaka naman ng Asin
Tayo ay tuldok lang
Ayan ang kinagisnan
Noong manipis pa ang sanga
At oo nga naman
Ako'y suma sang-ayon
Kampay sa kanila
Bigay galang yumuyuko
Nais ko lang dagdagan
Palawakin pa ang pulo
Lupa lamang talaga
Tayong tao ay buhangin lang,
Pero ang sa akin lang
Nagpapaka pulido na
Plantsahin pagka hubog
Parang yung bulkan dun sa albay
Ang pag iral sa mundong ito, ugh
Iyong tulisan na
Palamutian hindi ibig sabihin ay puro materyal
Simple lang naman maging kulay tayo sa mga nasa dilim
Maging pataba, sa halaman ng bawat isa
Nais kong maging kastilyo sa mga walang masilungan
Maging kapatagan
Sa mga naligaw sa lubak
Akin yang gagawin
Pagkatapos ko
Sa aking bakuran
Sa hardin na ito
Ako'y ganap na lupa
Nais kong magka halaga
Di magpapa burak
Pero kung malapit don?
Maging putik na lang ako
Na maaring makabuo ng tapayan,
Garapon na posibleng magamit sa iyong pag iipon
Ang aking punto
Maski ako'y timawa, mayroong kamay na aabot
Kapag laglagan
Sitwasyong nakakaiyak, tuwa
Maging anyong lupa tayo
Upang mahigop pandilig ang bumabahang luha
Sa ating talambuhay sa mundo, katayuan natin ay ang paso at tayo naman
Ay yung naka siksik paloob
Ang hakbang na ating tatapakan
Taniman ng makabuluhan
Upang sa gayon matingkad ang mapitas natin at malago
Pag masdan, hawakan ang bulaklak sa lupa tumubo
Kapag ang buto'y nababaon
May busilak na yayabong
Maitim ang lupa ngunit mayaman ang mga likha nito