Kamusta? Nakalingkis na naman sayo
Salamat sa pag salo madalas para na akong bibitiw
Taga tuldok ng araw na sinasakyan paulit ulit
Maliit na bagay taga hatid din ng munting aliw
Ubos ang enerhiya maghapon ikaw aking kidlat
Dumagundong sa'king katawan tanggal na ang imik
Ang nais kong pag pulupot sa iyo di na mag maliw
Tila sa'king kaluluwa iyong hulma'y bakat
Ikaw agad ang hanap kahit di sumasalubong
Tangi kitang armas kapag ako'y gagarahe na
Kaakibat ang kumot upang sa gayon makapag ipon
Ng tubig sa balon para mayroong maitungga (yeah)
Ala singko y medya ligpit ayusin ang punda
Mamaya pag tanggal ng medyas ako naman
Ang 'yong pag silbihan
Ibsan bugbog na likuran na madalas sumasakit pagkat laging naka yuko
Patunay na ang laman ng baul hindi pinipitas
Bagkus inaararo umaga hanggang hapon
Kaya sa gabi todo sagad sayo na humagkan
Ikaw ang tanging mata sa lahat ng mga naging hakbang
Sa fiestang pagdiriwang presko ang dating haplos ng pagka wagi
Dumampi sa mukha't kamay
Minsan ay parang lamay, biyernes santo
Habang may ilaw na pula dumidilig luha sa unan, pagkat batak na
Ang kaluluwa't buto sa pagod
Ikaw ang tanging taga sagip kapag ipit na at nalulunod
At nang ako'y lumangoy, bumabad sa pag ibig
Ikaw ang tanging saksi kung pa'no ako mangiliti
Kita mo akong naka ngiti kita mo akong mapa ngiwi
Sa mga sitwasyon na tagilid ngunit may leksyon na narinig
At habangako'y nakahiga sayo nahubog ang mga ideyolohiyang gumagana
Kapag naka pahinga
Tipong ikaw bulaklak sa kalagitnaan ng gera
Tanging sandalan pag malubha na engkwentro sa aking harapan,
Maka higa na nga...