Verse 1:
Kakapit ako sa mic hangga't di nangangawit
Kahit mapaos, ganyan ang buhay mang aawit
Umibig nang taos ang musika ay mapang-akit
Gustong mahaplos ang pangarap kahit may balakid
Kahit na may panganib, malagay sa alanganin
Impakto ma'y sumanib t’yak patay sa Ama Namin
Ako'y naniniwala ng lubos
Na yung taong araw araw may galaw tinutulungan yan ng Diyos
Kakampi ko ang langit magdilim man ang paligid
Ang mundo ma'y magalit sakin nang paulit-ulit
Pasensya ko'y hindi mauupos
Matyaga 'kong nag-abang hanggang lumipas ang unos.
At kahit na kalunos-lunos ang buhay laging may pasakit
Muli kong babalakin na kunin ang para sakin
Bawat letra ay sinuri, 'sing pino ng sinulid
Sa butas ng karayom tatawid ang iyong awit
Chorus:
Ako'y nangarap
Ako’y lumaban kahit na mahirap
Kahit sila'y hindi naniniwala
Hindi napigil sa aking pangarap
At dahil sa isang awit
Mga pangarap ay aking nakamit
Mga pangarap ay aking nakamit
Verse 2:
Ito ang makabagong tawag ng tanghalan
Ako'y babangon pag tinawag ang pangalan
Ang entablado'y nagsilbing pangalawang tahanan
Umuuwing bitbit ang nakamit na karangalan
Bago pa umani ng papuri
Ako ay nagtanim ng ambisyon diniligan ko nang mabuti
Maraming mapanirang puri
Pero tuloy na tatahakin ang misyon daanan ma'y maputik
Kailangan mo lang na mapulot ang aral sa bawat pag hakbang
Kahit pagapang ay lulusot sa harang na naka-hadlang
Huwag kang mailang, sumulat ka lang, punan mo ang patlang
At ang kanta mo sa tagalog rap ay nagkaroon ng anghang
Gumagaan ang daloy na parang arkong malaki
Hindi man tumigil ang bagyo ng apat na pung araw at gabi
Patuloy na maglalayag pangarap mo ay mararating
Na ang buong mundo ay marinig ang iyong awit
Repeat chorus
Bridge:
Lumaban ka (ibuhos ang buong lakas)
Huwag na huwag susuko (palagi kong binibigkas)
Maniwala ka na may mararating
(Oh, gagawin ko ang lahat hindi magsasayang ng oras
At ang pwede na matapos ngayon huwag nang ipagpabukas)
Chorus:
Ako'y nangarap
Ako’y lumaban kahit na mahirap
Kahit sila'y hindi naniniwala,
Hindi napigil sa aking pangarap
At dahil sa isang awit
Mga pangarap ay aking nakamit
(Gagawin ko ang lahat hindi magsasayang ng oras
At ang pwede na matapos ngayon huwag ng ipagpabukas)
Mga pangarap ay aking nakamit