General

Rest in peace, Inozent One!

Isa nanamang batikan sa eksena ang nawala. Salamat sa musika!

Anonymous Staff
May 06, 2024


Malungkot na araw ‘to hindi lang para sa Pinoy hiphop kundi pati sa buong OPM. Sa mga hindi pa nakakaalam, pumanaw kanina lang si Esteve Dequina Bohol o mas kilala sa eksena bilang Inozent One. Isa siya sa pioneers ng respetadong kolektibo na 187 Mobstaz at parte ng grupong Shockra at Juan Thugs. Maliban sa makapangyarihan niyang mga liriko, tumatak sa masa ang kanyang boses at flow. Patok na patok ang mga kanta nila ni Blingzy One (Juan Thugs) na “Momay” at “Bakit Ngayon Ka Lang” habang “Philippine Choppa” at “Operation 10-90” naman kasama ang Shockra. Ilan lang yan sa napakadaming mga obrang sumikat nitong makata mula sa Caloocan. 

Kahanga-hanga ang ginawa niya pati ng mga kasamahan niya sa industriya: ang pagsikat habang nananatiling underground o independent. Kapag patugtugin mo sa labas ang mga kanta niya, siguradong  merong makakaalam agad. Huli natin siyang narinig sa awiting “Yung Naniniwala Sa’min” at “Where You From 3” na parehas nag-trending din. Mula sa FlipTop staff at emcees, kami ay nakikiramay sa pamilya at tropa ni Inozent One. Panatiliin nating buhay ang legasiya niya sa pamamagitan ng patuloy na pagsuporta sa kanyang mga nilikhang musika. Rest in peace po ulit, sir Inozent, at maraming, maraming salamat sa lahat ng naiambag mo sa kultura. Permanente na ang naiwan mong marka dito. Walang duda yan!



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT