Verse 1:
Laging suot na damit ko ay itim
Mas komportable pag paligid madilim
Todo hayop, tago ang pangil sa bibig
Di lang pang-kagatan, pwedeng balian ng leeg
Pag umawaraw, sumisilong na kagad
Parang matutunaw sa lilim lang nararapat
Sobrang lutang kahit pa paglumalakad
Tumutungga, di lang para sa amat
Nagsasaing, dagdag kanin pag mayroong dinuguan
Loob ng kabaong alanganing tulugan
Grabe sumindi kahit pa may ubo man
Eto buhay parin pagtas ng ilang sunugan
Sa erehe nag-umapaw, simula pa dati
Kupal daw at sagad sa pagkasalbahe
Isinumpa't kinasuklam ng mga madre
Aking karanasan sa skwela ko sa Paranaque
Chorus (2x):
Malabampira 'to pare
Malabampira sa bawat tira
Makikita na sobrang dugo kapag yumari
Verse 2:
Di pang tao dumiskarte
(Dali!)
Yaan sa akin sinasabi
(Lagi!)
Metikuloso parati
(Hanep!)
Kita sa bawat detalye
Sa impyerno naghahari
Akong depinisyon ng haram
Di lang bituka ang halang, ako mismo ang hadlang
Nagmamasid parang tiktik kung mag-abang
Buhay ko tsong pabor kung walang makaalam
Ako yung pagnag-anyong tao ang kasamaan
Nag-iiba sa kabilugan ng buwan
Mas sa-demonyo pa sa mga mambabarang
Sa kwento ng mga matanda ako'y isang aswang
Kaya duling kung tingin niyong kilala niyo ako
Tunog kalye, pare, puso ko bato
Sa mga sabi-sabi, tss!
Mali kayo
Akala niyo ba eh laging alam niyo storya ko kasi...
Repeat chorus
Verse 3:
Tipong mga masamang spirito kasama maglakbay
Basta makakagat ng ipin ko ako'y nakabantay
Ayon sa naiisip niyo, di mamamatay
Pero kalooban maitim 'to matagal nang bangkay
Di tipikal aking mga katangian
Kaya ayaw paniwalaan ng karamihan
Ang dinodiyos eh yung tamang katwiran
Kaya tingin sa krus simbolo ng kamalian
Basta usapan ay dugo ako'y nag-aastang pating
Mga aninong nabuo nakakabasag salamin
Sa bawat sugat na nakuha sa negatibong pansin
Hindi ba halata na ang bilis lang lagi gumaling?
Oo, lakas ko umatake, madaming dinaanang gera
May sarili akong lengwahe't mensahe sa mga letra
Kapangyarihang tunay aking buhay di surpresang
Imortal ang suma-total at ito na mismo ang proheba
Repeat chorus