Verse 1:
May gusto ko pag-usapan, simulan ko na sige
Pamahiin taguan yan, taya ang may silbi
'to ay katotohanan sa maniwala o hindi
Nakakabobo man yan sa nakakaintindi
Una kong punto, para lang babala
Kasi diba totoo basta sabi ng matanda?
Yan ang turo't bilin kaya wag na magtaka
Pinoy sa puso, isip, salita, at sa gawa!
Tinutuunan mga bagay na walang kwenta
Nauuto kagad kahit kulang ebidensya
Mas pipiliin na makinig sa tsismisan
Yan ang mithiin kaysa siyensya
Madaming namamatay (sa maling akala)
Kapalaran sa lakbay mas dapat ko iasa
Ano ang masama kung basta 'ko magtiwala?
Walang mawawala kung ako ay maniwala
Chorus:
Kahit di ko aminin
Isa akong alipin
Sunod lang sa sabihin
Na mga pamahiin
Verse 2:
Etong pagkakattaon na mas mapamukha
Sa utang tayo nabaon, mas ramdam na dukha
Bisperas ng bagong taon, ugat yan ng sumpa
Paano lalagyan ng datung? Butas mga bulsa!
Wag nga matulog pag buhok ay basa
Titigas ng ulo, paningin nawala
Labas man ng bansa, pasaway talaga
Daming bulag sa mundo, di lang sa mata
Tas may mga ligaw ibang landas ang nakamit
Bumigay! Bumitaw! Nasiraan ng bait!
Solusyon? Wa epek yan sa problemang kay pait
Wala kasing nagbaliktad ng suot nilang damit
Itim nga na pusa si kamatayan
Handa kong ipustang tunay kahit yan
Para wag malimutan, pagsanayan
Nilagay ko sa unan para matandaan
Repeat chorus
Bridge:
Kultura ay sumahin natin dito mismo
Tradisyon importante yan sa Pilipino
Pamahiin pag-isipin ang tanging motibo
Munting pabilin kahit parang hipnotismo
Verse 3:
Kalawanging turnilyo! Sobrang sikip man
Maski kabwisitan, tabla ang katwiran
Hindi magbabago kahit kadirian
Kasi dapat ang tao may panindigan
Mayroon ngang misteryong nakabalot
Nag-anyo lang silang pananakot
Lumang sistema hanggang tumanda abot
Sabay tanggi na lipunan ang salot
Anong mawawala? Wag na magtanong
Maniwala nalang at magpakahon
Tong utak kalimutan kahit di man nagkaroon
Tuluyang talikuran ang lohika at rason
Repeat chorus