Hook:
Sino ang maestro? Pagdating sa micropono
Sino ang mensahero? Sa lupon ng parnaso
Ako sa harap mo sa akin mata mo
Matangap mo o hndi dyan sa tenga mo
Verse 1:
Akin ang pag aangkin
ang ihi ko sa teritoryo
Ako at ako
mano a mano ang laban dito
Mabigat ang makinarya
sa gulong ng industriya
silab kot panggatong
anim ang bitwin sa hilaga
Dugtong sa bawat hinga
Ang inyong pagtitiwala
Karga ko aking puso
Mga tunog na di baog
Itoy magsisilang
Aahon sa mga puntod
Na mga bagong hirang
Kasunod na may tapang
Hamon sa lahat
Mga pangkat sa bawat dako
Sindikato ng mga tula
Tugon sa pullitika
Palakasan ng kahig
Mga taring bagong hasa
Hangang sumayad ang tuka
Humalik sa mga lupa
Salitang mapanumbat
Bagsik ng mga dila
Bisig ng iunat
Higpit sa hawak sa panulat
Dulo ng mga daliri
Hamaon sa pagkalalaki
Tikom kong mga palad
Ang mensahero maghahayag
Gawa ng mga kamay
Makapangyarihang sumaysay
Ang buhay at kamatayan
Walang sinong makakaliban
Mano a mano
Tiklop mga tuhod
Ang katungkulang ng bawat tao
Sa kaniyay ay maglingkod!!!!
2nd verse:
Ang aking sarili ba'y
itunuturing na pundasyon
sa at mga haligi
Nangatayo
sa bagong henerasyon
Ngayon sinasabi ko sayo
Sa maling mong akala
Akoy kabilang sa kapatirang
Binabato at pinipigilan
Akoy taliwas sa kanilang napili
Mga nakaw na sandali
Dahilan ng pagbahagi
Di na dapat ipagsabi
Sa mga tango ng ulo
Isang pagkakasunduan
Makuha ka sa tingin
Di kailangan pang sabihin
Sadyang di maaari sa lahat
Kahit ano pang lawak at sukat
May ahas na lalabas sa
gitna nitong gubat
Ang maging maingat mahinahon
Sa mga lakad. May patibong
Sa mga dapat itugon
Sa nagtatagong ulupong
Sa mga hula ni isayas
Isisilang ang tapagligtas
At mangyayari sa araw na yaon,
na ang bawa't dakong kinaroroonan
ng libong puno ng ubas
na nagkakahalaga ng isang
libong siklong pilak,
ay magiging dawagan at tinikan