Album

Mga Praning


Rap is FrancisM
Francis M.
1992

Verse 1:

I've got a story that I gotta tell

Kwentong pang-tropa, I only mean well

For the good of the kabataan, I mean youth

Who are wasting away dahil lang sa shabu

Poor man's cocaine, some call it chase

Puff the magic dragon all the way

To your lungs, ito, anay sa laman

May foil, may burner, tooter na lang ang kulang

Pwes, gumawa o manghiram

At pag ayos na'y ating sindihan

Ang sarap, feel the rush to the head

It makes you crave for more of it instead of food

Pagbilan ng piso o katorse

One half or one gram, tumataas ang dosage

Lalo lang nalunod at saka ka nabaon

Sa utang, kawawa naman at malaon

At patay ang utak ng tropang kupas

Makinig sa akin at ako ang lulutas

Ng problema nila, ng tropang gising

Ang kasaysayan ng mga praning

Praning number 1 ay artista pa naman

Multi-awarded, idolo ng karamihan

Di niya nakayanan ang fame at kayamanan

Marahil insecure at balang araw masapawan

Ng bago o mas gwapo at mas mabango

Sa producer at sa press, lalong na-depress

Nainggit, he tried it, gumamit, he took it

Bumatak ng pahamak sa parak at sumabit

Gang busted at nasa kalaboso

Naging paranoid at naging suspityoso

Ngayo'y nakakulong at kami'y nanghihinayang

Sayang, si raning number 1

Praning number 2, graduate ng beauty school

Maraming bagets at boys, I mean new kids on the block

At siya'y part-time pusher

Bugaw ng babae, number one hairdresser

He seduce and use and even introduce

Girls to the boys while making them use the

Drug, you can call it crystal methane

You can call it want you want but it's all the same

One day, he was robbed and stabbed seven times

His boyfriend left the scene of the crime

Patay ang bading nang dahil lang sa shabu

Wag sanang tularan si praning number 2

 

Chorus (2x):

Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing

Mga praning, mga praning, mga praning-ning

Laging gising, laging gising, laging gising-sing

Mga praning, mga praning, mga praning-ning

 

Verse 2:

Praning number 3 ay gustong mag-artista

Gustong maging bida, kay direk siya naniwala

Gumawa ng pelikula, ang tema ay bastos

Isa palang pelikula ang dapat nang idaos

Ng kakawang starlet ang kailangan niya'y gamot

Na dapat ratratin upang siya'y makalimot

Ng bagay na di nais na mangyari binabalak

Sa sinapit ng ilan at siya'y biglang nawala

Ang isip kumitid, sa shabu'y sumisid

Ang isip ng flip ngayo'y lumiligid

Sa Ermita nagbebenta, di kaya

Sa Mabini ang katawan ang kawawang praning number 3

Praning number 4 ay mahilig sa pagtulog

Pero ayaw namang aminin na siya'y nalulong

Patikim-tikim, kung tumira'y palihim

Pero di niya akalain na siya'y sasamaing

Palad, unti-unting sumabog ang lagim

Biglang napikutan ang barkadang praning

Isa isang na-bust o pinasok ng magulang

Pumiyok sa parak, nandamay ng pangalan

Ng source na may, basta't dinampot na lang

Dinala sa dilim, walang awang pinaslang

Nagtatago na siya't ayaw nang umiskor

Sindikato ang kalaban ni praning number 4

Praning number 5 ay magaling na musikero

Gitara o piano magaling umareglo

Ng musika, isang kinikilala sa industriya

Pero mahina ang tiwala sa sarili gumagamit gabi-gabi

Di natutulog dahil trabaho ay marami

Nagpabaya sa katawan biglang pumayat

Kung kumain minsan, ngayong buto't balat

Di makapag isip at ayaw nang umandar

Ang utak ni sikat dahil sa lahat

Inatake sa puso fifty-fity ang lagay

Nasa basement naka ratay si praning number 5

 

Chorus (2x):

Laging gising, laging gising, laging gising-sing

Mga praning, mga praning, mga praning-ning

Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing

Mga praning, mga praning, mga praning-ning

 

Verse 3:

Si praning number 6 executive sa Makati

Mayaman ang pamilya kilala ng marami

Maraming trabaho't magaling sa negosyo

Eh kaso meron palang itinatagong

Baho gumagamit ng bato ang gagong

Yuppie di matigil, nangigigil sa gramo

Ano kamo? "pare I'm on distress"

Pwes, "That's why I gotta use S"

Yes yes oy kahit maubos ang pera

Imbis na ininvest, binatak ang kwarta

I guess business and vices just won't mix

"I need a fix" that was praning number 6

Praning number 7 nakaupo sa pwesto

Malakas sa itaas kung humawak ng kaso

Walang talo lahat ay kaya niyang lagyan

Ng ganito at ng ganon si ganyan

May nahuling tulak sa aming bayan

Dinala ng parak sa loob ng piitan

Lumaya kaagad, kay bilis! nanaman?

Gumawa ng paraan, paano? di ko alam

Pero parang alam ko kung sino ang dapat ikulong

Kasi marami ang napapahamak

The war against drugs is lost once again

Clap your hands, praning number 7

 

Bridge (2x):

Tropang gising ang mga praning

Laging gising ang mga praning

 

Verse 4:

Ngayong alam niyo na marahil ang istorya

Ng mga taong nagpagamit sa droga

Hindi lang isa, dalawa o tatlo

Hindi pito, kundi libu-libo

Ang nasira, natalo, namatay, nagutom

Nawalan, nakulong, nagpagamit at naloko

Shabu, batak, crystal methane

Anay sa laman, poor man's cocaine

Sa unang tira, di mo mapapansin

Ang tama ng Methamphetamine

Hydrochloride, suicide at slow dead

Yan ang mangyayari pag gumamit ka ng S

(Yes, the rhythm, the rebel)

You gotta stop and not your gonna stumble

Down, walang maitutulong ang bato

(Eh, gumamit na lang kayo ng pito-pito, eh)

O ano, tatanga ka lang ba diyan?

Baka abutin ka lang ng siyam-siyam

Umpisahan nang itigil ang salot ng bayan

Titigil ka lang ba pag ika'y pinaglamayan

Dinaanan ko na ang buhay ng patay

Impyerno ang hatid nito kapag ang panay

Gamit ng shabu, dumalangin

Na wag maging isa sa mga praning

 

Chorus (2x):

Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing

Mga praning, mga praning, mga praning-ning

Laging gising, laging gising, laging gising-sing

Mga praning, mga praning, mga praning-ning



OTHER LYRICS

Pa-decline (feat. YB Neet)

Training Day
Bugoy na Koykoy
2024 Album

julie pakipot

bahay namin maliit lamang
Hev Abi
2024 Album

Takip Silim (feat. Regine Velasquez-Alcasid)

Liham At Lihim
Gloc-9
2013 Album

Norem (feat. Gloc-9, Abaddon, and J. Kris)

Materyal
Shanti Dope
2017 Album

Souvenir

Track Dealer Mixtape
Ives Presko
2015 Album

FEATURED ARTICLES