Intro:
Ahhhh, oohh
Ahhhh, oohh
CTG kita, miss, miss pakipot
CTG kita, miss, miss suplada
CTG kita, miss, miss maganda
Sa palagay ko, mahal na nga kita
Ooh
Verse 1:
Miss, miss, miss, ba't ang suplada mo
Sayang ako'y in love sa yo
Pero teka, teka, teka, teka, teka
Ganyan na ba talaga ang ugali nila
Baka naman ay nagpapakipot lang
Ilabas mo na baka mapanis lang
But I guess sa mukha kong ito
Ikaw ay magkakagusto (swing)
Okay lang sa akin kung iyong sasabihin
Na ako ay mayabang o mahangin
But I know may chance pa ako
Na makamit ko ang matamis mong "oo"
Ooh
Chorus:
Crush kita, miss, miss pakipot
Type kita, miss, miss suplada
Sorry ka, miss, miss maganda
Sa palagay ko mahal na nga kita
Ooh
Verse 2:
What's the use of beauty kung ikaw ay ganyan
Pati ang puso ko ay nahihirapan
Halos araw-araw kitang inaabangan
Sinusulyapan at napanaginipan
Hindi ka na maaalis sa aking isipan
Para kang si Eba at ako si Adan
Everything I do, I do it for you
Cause there's no more love than my love for you
Ang pag-ibig ko sayo sing bango ng Polo
Sing tamis ng Milo, sing sarap ng Nido
I want you to know ang pag-ibig ko sa yo
Ang pag-ibig ko sayo sagad hanggang buto
Ooh
Repeat chorus
Verse 3:
And one year fades sa paghihintay
I got her "oo" sa malupit niyang kamay
Kaya ngayon kami'y magkasama
Sa lungkot at ligaya
Ooh
Repeat chorus