Verse 1:
Nagpapakilala mula sa mundo ng sining na walang tanikala
Pinag-aralan, pinasa upang matawag na isang makatang bihasa
Para sa mga nagtatanghal ito ay para sa inyo wala nang iba pa
Ikaw ang pinaka sa sarili mong istorya at di ka namamalik mata
Banat lang nang banat malay mo bigla nalang na makaisa ka
Pati pamato naitaya kong pamusta basta maikasa
Sa meron o wala bahala na kung ano ang tinakda
Meron diyang gutom pero sikat na tinangay yung datung mula sa kanta ha
Ako’y para bang ligaw na tupa sa mga kasama ko na Buddha
Tsumempo di nanguna nag-banat ng buto na muna
Pulikatin man sa kakatingkayad ay pipilitin pa rin na makuha
Abutin ang mga tala habang nakasayad ang mga paa sa lupa
Salamat sa pag-imbita musika alam mo na mahal kita
Buti pa sipain ang naiiba dahil sa napakadami nila
Mga wannabe na manggagamit di malaman kung bakit
Tinuring mo naman na kaibigang matalik
Nasilaw, naakit dapat sa kanila walang itira kahit isa
Chorus:
Ang sandata ko sa gitna
Papel, tinta, puso, at salita
Tuwing sasampa ako ay sabik na
Gusto ko nang sindihan yung mitsa
Balanse lamang ang timpla
Papel, tinta, puso at salita
Malamang mayanig kaya kumapit ka
Pagkat gusto ko nang sindihan ‘tong mitsa
Verse 2:
Sa tapat ng mga ilaw, sa harap ng mga tao
Marami man o kaunti hindi magbabago ang bawat pag-akto
Humanap ng enerhiya, kumakagat yung sativa
Kung gusto mong gumanap na bida sa karera
Ang kailangan ay bayad ang prangkisa
Hinog na kalidad kahit hindi mainit hinahanap ng madla
Para karapat-dapat ka talaga sa inaasam mong halaga
Nung una ay hindi ko masabe tingnan mo nangyari
Sinasabotahe ng dahil sa haliparot na babae
Ngayon ay hindi mo na pwede pang maibalik pa yung dati
Sino ba naman ako isang tuldok na nangarap
Kung gustong makipagbuno ay malugod kong winawasak
Ulupong na puro bulong sunog sa pugon papuntang alapaap
Pag humarang parang sinalubong yung habagat habang nakalutang dun sa dagat
Tipong sawa na si Nobita at naging pinakasiga
Ang gasolina pampakalat ng apoy maituturing bitamina
At kung maliit pa rin ang tingin sa kabila ng mga pinakita
Tanggapin kung mahina, kung mali siya paulanan ng dinamita!
Repeat chorus
Verse 3:
Kung minsan parang ang sarap bumalik sa pinagmulan
Tanggalin ang muwang kahit na saglit
Na makita ko lang yung batang paslit na sabik sa ulan
Walang problema kung walang malaking laruan
Lumaki naghanap ng salapi kaso lang sa landas kung saan dapat
Aking apuyan hanggang maging abo ang entabladong nais tungtungan
Upang makarating sa rurok, umakyat, nahubog sa pa-grap pagsubok
Hinarap, nagbakasakaling may mabuong alamat sa sulok sa lapag
Kahit na ang tulog ay hindi sapat, sa bubong maglakad, masunog ang balat
Kahit tumaob, nabuhos ko lahat
Repeat chorus