Chorus:
Kahit saan ka dumaan ay susundan
Gusto ko lang naman na sumama diyan sa lakad mo
Kung ano man ang dahilan
Maiintindihan ko yan
Gusto ko lang malaman kung saan ang lakad mo
Verse 1:
San ka pupunta
Pwede bang sumama
Pangako ko sayo ako'y hindi mang aabala
Malayo o malapit
Kahit ako ay sabit
Yan ay ayus lang sakin
Basta't makakasama kita
Sabi nga ng mga hindi kakilala
Ikaw ay kalapating ang lipad mababa
Hindi na yan ang mahalaga
Marami ma'ng manghusga
Ikaw lang ang makakapagsabi
Sino kang talaga
Bridge:
Kahit ano mang sabihin sayo ng iba
Ang pagtingin ko sayo ay magkaiba
Wala silang pakialam
Sinusunod ko lang kung ano ang aking nararamdaman
Repeat chorus
Verse 2:
Bawat araw ay nasa ibang lugar
Iba iba ang oras at walang trabahong regular
Inggit sila sayo at parang nasasapawan
Kaya napaka rami ang gusto kang siraan
Pero ikaw ay akin nang naintindihan
Lahat ng ginagawa mo ay merong dahilan
At kahit di mo man sabihin ay nararamdaman
Asahan mo na ako ay palaging narito lang
Repeat bridge
Repeat chorus (2x)