Chorus:
Karpintero na walang sariling bahay
Magsasakang walang sariling palay
Mga nasa lansangan na palaboy
Lumaking hindi kilala kanyang nanay
Sila yung mga tao na di mo natatanaw
Habang ika'y busog, sila nama'y nauuhaw
Sila'y humihinga pero hindi gumagalaw
Sila yung mga tao na di mo natatanaw
Verse 1:
Kung ang buhay ay gulong ng kapalaran
Bakit 'tong pag ikot ay may kabagalan
Kahirapan na lumamon sating bayan
At mga pinanganak na kakambal ang kamalasan
Sila lamang ang dumanas ng pait
Na kapag kumain ka ngayon ay bukas na ulit
Ang kalsada ay parang lubid na nilang tintawid
At ang mga kasuotan ay butas at masikip
Kung maririnig mo lamang ang bulong
Sa tuwing umuulan pagkat wala silang bubong
Napabayaan na parang kumupas na maong
Walang karapatang umangal at malayang magtanong
Repeat chorus
Verse 2:
Mga paang sugat sugat na sa paglakad
Mga mukhang sa putik nakababad
Takbo ng buhay pano ba gawing banayad
Kung pangarap ay para lamang sa merong pambayad
Habang ikaw halos na sayo lahat
Maginhawa na ang buhay pero di pa rin sapat
Magagarang mga gamit, walang sugat ang balat
Habang sila sa simpleng kinakain ay salat
Kung maririnig mo lamang ang bulong
Ng sikmura na kumakalam at tiyan nilang gutom
Kung tingin mo ay pinagdamutan ka ng panahon
Pagnakita mo sila ay tsaka ka magtanong
Repeat chorus