Album

Palagi


Guns and Roses
Shanti Dope
Producer: Klumcee
2023

Chorus:
Oh, di ba't kahapon lang, ikaw ay nagpaalam
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang?
Dapat bang pagbayaran ang di naman inutang, oh?

Verse 1:
Umasa kahit na malayo pa 'ko sa pamantayan mo
Ganito pakiramdam nung dumagdag ka pa sa pangarap ko
Matagal nating iningatan 'to habang patago pa kitang naranasan
Nung ikaw na kahinaan ko, tsaka mo 'ko natutunang iwasan
And'yan agad sa isang tawag mo, kaya parang madali sa'yo bitawan
Mga alaala natin na wala lang sa'yo, palibhasa di mo kailangan na
'yoko naman makipaglaban para sa kadahilanang nand'yan siya
Pwede naman na 'di niya malaman, ah, basta 'wag mo 'ko iwanan, pwede ba?

Pre-chorus:
Isip at ang puso, ba't 'di pa palayain?
Nakagapos sa kahapon ang init ng damdamin
Paano, saan, at kailan ka yayakapin?
Sa pag-ikot ng mundo ko sa'yo palagi

Chorus:
Oh, di ba't kahapon lang, ikaw ay nagpaalam
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang?
Dapat bang pagbayaran ang di naman inutang, oh?

Verse 2:
Siguro nga, hindi ako 'yung tipo ng kaya gawin lahat para sa pamantayan mo
Pero sa kabila ng mga binitawan mong pangako, 'di ito yung inasahan ko
Tawanan bago mo 'ko pangilagan
O isipin mo sana ano tayo dati sa kama niyo kahit damo at pamasahe lang nasa pitaka ko
Nakakarating tayong alapaap kada tawa mo, pula mata, kahit 'di man nagkaiyakan, uh
Kahit wala na 'kong panahon para umasa pa, balewala kung mas madalas naalala ka
Sa mga sabi-sabing nakarating sa'yo, sana kalimutan mo na parang ginawa mo sa'ting dalawa
Oo, madami d'yan pero tumatak ka sa'kin nung pati sa kaluluwa mo 'ko nahumaling
Nung nasabing dapat kita palayain, ipinangako mo na, isinulat mo pa sa hangin

Pre-chorus:
Isip at ang puso, ba't di pa palayain?
Nakagapos sa kahapon ang init ng damdamin
Paano, saan, at kailan ka yayakapin?
Sa pag-ikot ng mundo ko sa'yo palagi

Chorus:
Oh, di ba't kahapon lang, ikaw ay nagpaalam
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang?
Dapat bang pagbayaran ang di naman inutang, oh?



Shanti Dope - Guns and Roses (2023):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Gusto Kong Bumaet

Gusto Kong Bumaet
Death Threat
1993 Album

Abante (feat. Kat Agarrado)

Ultrasound
Loonie
2013 Album

Binary (feat. Rambling Man)

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

Samalamig

Samalamig
Shehyee
2015 Single

Koro (feat. Gloc-9 and Francis M.)

Apoy
Greyhoundz
2005 Album

FEATURED ARTICLES