Chorus:
Aalalayan
Tuwing walang makakapitan
Di hahayaan, hindi ka kakaligtaan
Nasa kamay mo, bakas ng pawis at trabaho
Iyong lakas at kahinaan
Alam ko yan
Pareho tayo
Verse 1:
Mahal na bigas
Utang sa tindahan
Mahabang listahan na di mo pa nababayaran
Tapos pila pa sa bus, tricycle, at jeep
O kaya naman sa tren, laging nakakainip
Upang magkaroon ng buhay na marangal
At mahawakan na ang kasagutan ng mga dasal
Na makatapos sa eskwela, hanggang kolehiyo
Makapagpagamot na di prebilehiyo
Hindi hiningi, kundi binigay
Dahil dinadaan mo ngayon kanyang nilakbay
Sa kahirapan ng buhay, palagi mong kaakbay
Tungo sa kaunlaran, tatawid sa tulay
Sabay nating iangat, kahit gano kabigat
Ang pagkatao'y di nasusukat sa kulay ng balat
Dahil dinig ko ang lahat ng inyong hinaing
Hawakan mo aking kamay dahil ako'y ikaw rin
Repeat chorus
Bridge:
Kapag nagtulong-tulong, lahat magagawa
Hanggang pinapangarap mo'y mapapala
Kahit gano kalayo, ating aabutin
Ako'y laging kasama mo dahil ako'y ikaw rin
Verse 2:
Mainit
Sumingit sa buhay na di makulay
Kung laging paulit-ulit, di na masarap ang gulay
Matabang, hanggang saan pa kayang kailangang tiisin
At lahat ay itaya kasi laki sa hirap
Kay sumikap
Mga pangarap
Hinagilap
Karununga'y kanyang kinalap
Pagkakataon ay sinagap
Ang tunay na pagtulong at mabuting hangad
Ay mula sa tao na hindi takot mabilad
Ang edukasyon ay para sa lahat
Makapagpagamot kahit na ika'y salat
Sabay nating iangat, kahit gano kabigat
Ang pagkatao'y di nasusukat sa kulay ng balat
Naririnig ko ang lahat ng inyong hinaing
Hawakan mo aking kamay dahil ako'y ikaw rin
Repeat chorus (2x)
Outro (2x):
Pareho tayo