Chorus:
Pasko na naman, o kay tulin ng araw
Paskong nagdaan tila bago kailan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan
Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan
Verse 1:
Nasubukan mo na bang mangaroling pag pasko sa tabi ng riles
Sa kahirapan ng buhay laging gulay noche buena mo ay dilis
Lumalamig ang simoy ng hangin pero wala ka namang jacket
Kung trabaho ko lang ay maid na wala kang pera
Pero teka muna ni wala ka ngang wallet
Habang lahat ay nag shoshopping
Wala kang magawa kundi humimbing
At pagkagising kayod para makakain
Laging sinasalubong ng hangin
At ano ba sa palagay mo ang dapat na gawin ng isang tulad
Ko na sa pasko ay mas mabuti pang mabingi at mabulag
Habang inaawit ang...
Repeat chorus (2x)
Verse 2:
Habang ang mga ibang bata'y puro bago
At sa kapatid mo'y luma
Sabihin mo sakin kung pano ko pipigilin ang luha
Pero teka lang
Meron nang pambili ng bigas na hindi pwedeng pangregalo
Kahit ano gawin ay madilim parin
Kasi naputulan na kami ng Meralco
Hindi makapagsimba kasi ko nawalan ng pamasahe
Tuwing may handaan ay laging hindi ka makasali
Pati na mga namamalimos na mga bata sa kalsada
Hanggang sa susunod na pasko ay may magbago sana
Para makaawit ng...
Repeat chorus (3x)