Ako ang perlas ng silangan
Ako ang perlas ng silangan
Ako ang perlas ng silangan
Ako ay paraiso sa timog silangang asya
Kakuluang puno ng grasya
Tatlumpung milyong ektarya
Kalupaan siksik sa sustansya
Nagkalat aking mga kabundukan
Karamihan mga dating bulkan
Kaya'y lupa’t matabang
Maging sa kapatagan
Napapalago ng mga halaman
Mayabong aking mga kagubatan
Sa bunga at dahon ay mayaman
Sa mga mineral hindi rin papahuli
Ako'y kumikinang sa ilalim ng dumi
Malawak aking mga karagatan
Mga ilog ay mga ugat ng aking katawan
Naghahatid ng mga yaman tubig
Kayang dumilig ng mga bukid
Ako'y kinukumutan ng klimang tropikal
Kaya samo't saring buhay sa piling ko'y hiyang
Samo't saring hayop
Samo't saring halaman
Ang namumuhay sa alaga kong bakuran
Sapat aking lawak, lalim, at laman
Sapat aking likas na kayamanan
Sapat upang masaganang kabuhayan
Ay makamtan ng tanang taong bayan
Sapat aking lawak, lalim, at laman
Sapat aking likas na kayamanan
Sapat upang masaganang kabuhayan
Ay makamtan ng tanang taong bayan
Refrain:
Pano nag ka ganyan sa yaman ng Pinas
Hirap ang sambayanan
Pano nag ka ganyan sa yaman ng Pinas
Hirap ang sambayanan
Pano nag ka ganyan sa yaman ng Pinas
Hirap ang sambayanan
Pano nag ka ganyan sa yaman ng Pinas
Hirap ang sambayanan
Refrain:
Ako ang perlas ng Silangan
Ako ang perlas ng Silangan
Ako ang perlas ng Silangan
(mayamang sadla sa kahirapan)
Ako ang perlas ng Silangan
Ako ang perlas ng Silangan
Ako ang perlas ng Silangan
(mayamang sadla sa kahirapan)