Chorus:
Kalibre naming pambihira
Tiyak na di mo pa nakita
Bilis mo kasing maniwala
Sa mga kunwari alam ang wika
Tenga'y palaging nakatakip
Ni minsan di ako bumilib
Kahit pilit magpaka-tanga
Bigyan ng tiyansa, ah wala talaga
Tatz Maven:
Di to basta ligaw na bala
Ito'y sinadya na makatama
Malamang sa malamang mapapaaga
Di ka na aabutan ng umaga
Walang tropa-tropa sa collabo
Pumapaslang pag kinakailangan
Para malaman panahon mo na, na parang nagsusulat ako ng pamuhatan
Di mo namalayan may nakapatong na pala sa ulo mo
Di korona kundi bomba sabog lahat ng panaginip mo
Sige isipin mo, paano mo kaya ako magapi
Imposible to parang Pilipinong susunugin ang sariling salapi
Sapagkat 'di mangyayari, 'di maaari
Di hahayaan na ika'y makabawi
Tila alilang tinapaktapakan
Di makalakad pagkat buto'y nabali
Dahil yari lamang sa mga mababang uri
Kaya mapa boombap o trap
Kahit anong beat oy ika'y mayayari
Madaling madali, istilo binabali
Walang kwentang sinasabi
Di mo kayang tumbasan ang tagasalba't salbahe
Sapagkat higit sa lahat
Ika'y tinatawanan lang
Walang patikim ang tiyansa
Kaya buhay weather weather lang
Repeat chorus
Kregga:
Wala talagang kapaga-pagasa't
Kapakipakinabang ang mga talangkang nagpapataasan
Ng ihi sa parang ang daan-daang manunulat at daan-daang komposisyon
Tila dinangkal lang din lahat ng isang kolaborasyon
Ito'y patalastas parang agilang pumapagaspas
Paghampas ay lalagaslas sa mga ungas na kakaripas
'lang ligtas sa mga pangil, kaming tunay na panganib
Walang makakapigil tila namumuong talahib
Pagdating sa patalasan ng ideya't lirikal
Isa 'to sa naka basa ng labing-walong ritwal
Hinati sa tatlo hanggang sa naging punyal
Dinisenyo ko ang dila sa digmaan ng berbal
Kaya di bale nang di maniwala sa kabaliktaran nitong tanikala
Ito'y talinghagang naka parirala, lamya daw tong Bisaya
Du paminawa kung paasaran, ako'y patas lamang
Di pasagaran sa pamantayan, di patalakan kundi patalasan ng kalatas-patalastas-talastasan
Repeat chorus
KJah:
Simulan ang bagsakan, eksakto, panga ko'y kumakalam
Buhos mo na ang lahat ng papel, akin na ang panulat, gamit para silaban
Kalakip, mga nilagdang titik na sanhi ng pagdingas
Humaharabas ang mga tampalasan, harangan ng nagbabagang kadiliman
Tara na! Wala nang marami pang sinasabi
Pwede mong gamitin mga salitang kalye
Para magmukhang astig ang pilantik ng labi
Pero bobo ka naman sa mga estudyante
Tinuturuan ko pano tanggalin ang dyahe
Akala nila dati paramihan ng babae
Pinakita ko kapangyarihan ng lenggwaheng may kakayahang huwad na prinsipyo ay mabali
Anong sinasabi mong ganun lang kadali
Baka 'di mo alam ga'no kabigat tinanggap kong sisi
Nang hindi ko naabot inaasahan ng magulang makatapos mas piniling
Makasingit sa napakahirap na kulturang baboy na literatura ang pinapansin kesa sa mga gigil
Na ipamalas ang angking galing walang kasing hambing ang utak na may pagka-misteryosong yungib
Sisid!
Di alintana, anumang parirala bigyan mo pa ng kumpas
Para masiguro ko sayong sa loob ng isang minuto ay walang ligtas
Itong mga sinabuyan ko na ng kumukulo patuloy pa rin sa pananaginip
Abot mo sakin bayoneta, palayasin sa planeta at lunurin sa dugo niyang pinasirit
Birit!
Repeat chorus