Verse 1:
Pusod ng langsangan nandiyan aking opisina
At ang malagay sa hawla ang madalas disiplina
Naging pilosopiya ang mundo’y ilusyon
Tanging katotohanan ay ang Panginoon
Patawad pos a nagawa ko at sa gagawin palang
Dahil sa materyal na bagay ang bituka humalang
Kapag bituka kumalam, lakas loob na lang
Manunutok ng baril at mangungutang pabalang
Ilan na bang 7/11 ang aming napasara?
Pinasok nakamaskara at sinaid pati barya
Ilan na ba ang de-sabog ang aming naagaw
Sa mga sikyung tulog sa duty madaling araw?
At sa madaling araw yong mga naiwan mong sampay
Sungkit yan parang mangga at sa bag ko ang lagay
O mang aakyat ng bahay sa mga piling lugar
Hanggang sa sariling bahay ko na ang maipundar
Chorus (2x):
Ako daw ay salot sa lipunan pinanindigan ko na
Wala na raw kinabukaan ni wala na talaga
Patapon na raw ang buhay akin nang tinotoo
Sabagay, ilusyon lamang naman ang buong mundo
Verse 2:
Hindi na ‘ko makapasok sa mga mall ni Henry Sy
Sa dami ng litrato ko sa kanilang security
Sa dami ng gamit napuslit ko palabas
Kulang na lang sa Bitag ako’y maipalabas
Pag ginutom madalas… foodtrip sa resto
Hit and run pag malas sa resto
Maghugas ng plato takot na lang nila
Baka mabasag parang plato ang pagmumukha nila
At kung hilig mo’y auto, ito ay hilig ko rin
Ang ibig kong sabihin, magbaklas ng salamin
Pagka-tas dispatsahin, inuman nanaman
O kaya magkakarga ng kemikal sa katawan
Kaya mo ba hinusgahan at madalas ding itaboy
Mga ulol na canine kampi sa aking amoy
At tanong mo ba ako’y may balak kumalas
Pagkatapos looban ang Bangko Sentral ng Pinas?
Repeat chorus