Album

Tinda ni Linda


Sari-Sari Story
Gloc-9
Producer: Raimund Marasigan
2024

Chorus:
Walang makakapantay sa luto mo, Linda
Laging nag-aabang sa ulam mong tinda
Huling-huli mo ang panglasa ko
Bumabalik-balik na parang halik sa labi ko ang pansit mo

Verse 1:
Walang kapares ang pares
Mapapalodyis sa bopis
'Di malansang kalamares
Sa suka, toyo, sili, kamatis
(Timpla mo'y)
Tamang-tama lang, 'di labis ang siyang nalalasahan ko
Sana'y matikman kong muli ang panalong dinuguan mo
(Kahit anong gawin nila, sadyang)

Chorus:
Walang makakapantay sa luto mo, Linda
Laging nag-aabang sa ulam mong tinda
Huling-huli mo ang panglasa ko
Bumabalik-balik na parang halik sa labi ko ang pansit mo

Refrain:
Ngunit bakit 'pag nagsasara ka na
Sa gabi'y kayakap mo'y iba-iba?
May isang bagay pang nakapagtataka
Ewan ko, parang may ibang kwento 'to

Verse 2:
Hindi ko na napigil ang sarili nagtapat
Nabighani mo ako kaya sinabi ko lahat
Ikaw ang kwento ng pag-ibig, ngalan mo ang pamagat
Nang mapungay mong mata ang sa akin ay kumindat
Nagpahatid ka sa akin, inalok ng tsaa
Tinitigan mo ako mula ulo hanggang paa
Umapaw ng pagtataka, ang bibig ko ay bumula
Kakaiba sa mga ulam mong tinda, alam ko na
Pinakbet mo si Ambet, tapos nilaga mo si Nilo
Inadobo si Badong, at minenudo mo si Dindo
Bakit sinisig mo si Cisiro, kinilawin si Edwin?
Akala ko kambing itong kalderetang Karding
Inigado niya si Guido, crispy pata na si Aga
Kumukulong sabaw, sinigang na Atoy sa tasa
Utak sa sopas na may kakaiba sa panglasa
Kaya naman pala gano'n kalapot ang 'yong sarsa
Binulalo si Paulo, inihaw si Gardo
Mga putahe sa karinderya mo na palaging garbo
Ako na minechado, suki na ganado
Mga buto ko na pinakain mo sa aso

Refrain:
Ngunit bakit 'pag nagsasara ka na
Sa gabi'y kayakap mo'y iba-iba?
May isang bagay pang nakapagtataka
Ewan ko, parang may ibang kwento 'to

Chorus:
Walang makakapantay sa luto mo, Linda
Laging nag-aabang sa ulam mong tinda
Huling-huli mo ang panglasa ko
Bumabalik-balik na parang halik sa labi ko ang pansit mo

Outro:
Bumabalik-balik na parang pansit sa labi ko ang halik mo



OTHER LYRICS

Makinarya (feat. BLKD & Calix)

KOLATERAL
KOLATERAL
2019 Album

Amago (feat. JRLDM)

Meron Na
Loonie
2023 Album

BLKD vs Apekz

FlipTop presents: Unibersikulo
Various Emcees
2012 Rap Battle Verses

Direk

Rowena
Because
2019 Album

Loonie vs Plazma (Plazma's Rounds)

FlipTop presents: Ahon 7
Various Emcees
2016 Rap Battle Verses

FEATURED ARTICLES