Chorus (Honcho):
Wag na wag magbibitaw
Luto, dapat di hilaw ang iyong hinahain
Kung ikaw may gusto na isigaw
Sa mikropono mo dapat lahat yan ipakain
Samahan mo ng puso atsaka diskarte
Wag ka maging tuso, parehas ka palagi
Dapat lang kampante sa mga sinasabi
Gamitan ng puso at diskarte
Verse 1 (Astro):
Hindi na hihinto, mas lalo pang mag-aapoy, ha
Rookie of the year, purong diskarte 'to, boy
Mas pinili kong pumera, di manggera
Abot mo yan, kaya ang tibay ng depensa
May ginto sa kalye, utak negosyante
Para sipagan lang ang hukay, lahat aabante
Basta mag ingat ka sa gedli, mayrong pain
Madami dyan nahulog at nakain
Gumalang, namuhunan, sumagad
Unti-unting nabubuo, 'yan daw plano ni God
Naniwala, nagbabad dyan sa proseso
Natutong maghintay, pero may kilos, di pumayag magpapreso
Lalo 'tong tumibay nung sinamahan ng puso
Kita ko lahat, alam ko sino diyan ang tuso
Pero ganon pa man, sunggab pa din, mapagbigay
Kung sinong down na tropa ko, aking isasakay
Repeat chorus
Verse 2 (Zargon):
Check it, ang usapan dito ay diskarte
Samahan mo ng puso para suwabe
Pumarehas nang walang ino-onse
Pag may labis, may kasama pang responde
Dito sa kalye, dapat matalas ka
Laging may bala, lalo pag maangas ka
Makisama kung ayaw magkabangas ka
Wag mong hanapin ang suwerte, mamalasin ka
Anuman ang gawin dapat mahalin
Pag-isipan nang mabuti bago harapin
Maniwala ka na kaya mong gawin
Wag mong tigilan, siguradong may mararating
Galingan mo hanggang sa may mapala
Mga hindi naniwala ay matutuwa
Kapag nadapa ay wag na wag madadala
May bukas palagi upang ating magawa
Verse 3 (Mike Kosa):
Ginagawang posible ang imposible
Sa gubat, di pwede ang aso, dapat mala-tigre
Umaga at gabi, hinahagilap na ang grasya
Hanggang ang musika ay makilala na sa Asya
Freestyler na hindi maka-producе ng beat
Di makabili, ang porma ay palaging repeat
Alam kong darating ang araw, rеlax na sa seat
Habang naririnig ang hit song namin sa street
At sa kalye na masukal, kumakalakal
Kung gustong tumagal, dapat matuto at maaral
Pakikisama ang kailangan na walang sukbit na bakal
Kitang-kita ang anyo kahit takpan pa ng balabal
Anihan sa lahat ng lupain na pinagpala
Aminado na may sala at kayo ay nagambala
Salamat sa suporta at inyong mga tiwala
At ako'y kasama sa inyong tinitingalang tala
Repeat chorus
Verse 4 (DCoy):
Joaquin Bordado
Kumakaripas sa skyway, switchin' foe lanes
Top down screamin' out, money ain't a thing
Focus lang sa game, hustle Lunes hanggang Biyernes
Puno lagi ng pera parang bathtub ni Napoles
We are not the same, I'm a hustla
Ginto ang bawat letra, di pwede subasta
Pasukin na natin ang Bangko Sentral
Para mukha ko nasa piso at hindi na si Rizal
Kay Honcho ang Ferrari, ang trip ko Maserati
Sa susunod na paglapag sa hood ay naka-heli
Sanay na 'ko dumiskarteng mag-isa
May suporta lang pag nagtagumpay ka na
Kaya baguhin mo istilo mo, di na uso pang-Apocalypto
Di na sa anito, sumasamba sa crypto
Ang tagumpay, tinrabaho ko 'to
Pausukin ang damo pagkat mayaman na tayo, brrah
Verse 5 (Pricetagg):
Kapit-patalim para ikaw ay palarin
At laganap ang krimen para mayron lang pangkain
Dito sa ating bansa na buwaya lang kakain
May butas na ang batas pag pera paiiralin
Pero di 'to nanahimik, kukunin ko para sakin
Aangat aking bandila kaya lagi niyong hilain
Sulat ko parang reseta, di lahat kayang basahin
Bawat berso ko, gamot para sarili ko buhayin
Gamit sariling wika sa mga rapper na bano
Wag mong sabihing makabayan kung nagpapaka-kano
Gagamitin ang watawat sa kasikatan ay lango
Kakasinghot mo sa linya kaya ka lang naging pango
Pinoy Gangsta Rap is back kahit hindi niyo tanggapin
Ang nakaukit sa kasaysayan ay ibabalik ko din
Sumigaw ng himagsikan bago pa ako patayin
Wag hintaying asul-pula ay akin nang baliktarin, easy
Bridge (Layzie Fu):
Diskarte lang ang panglaban
Puso nami'y ilalaan
Whoa, wasakin ang entablado
Whoa, gamit ang mikropono
Kultura naming kinagisnan
Hirap ng buhay nilampasan
Whoa, wasakin ang entablado
Whoa, gamit ang mikropono
Repeat chorus