Album

Rotonda (feat. Joey Ayala)


Rotonda EP
Gloc-9
2017

Chorus:

Kaliwa man o kanan ang iyong daanan

Iisa lang ang papupuntahan

Hindi to hagdanan na may labasan

Ang lahat ay daraanan na

Parang rotonda lang

 

Verse 1:

Ang tawag nila sakin ay Congressman Luplop

Makapangyarihan, palaging nasa tuktok

Kahit magnanakaw ako ay iniluluklok

Kasinungalingan lang ang idinudukdok

Ako ay may asawang ang dating ay parang artista

Mga anak na Atenista't Lasallista

Di yan mahalaga

Ako ay may problema

Dahil nananaginip

Isa lamang ang istorya

Ako daw ay taga-Lerma

May asawa na si Thelma

Ang aking palayaw ay Boy

Libangan ko ay pusoy

Kamay ko laging may eczema

Sila pala aking mga anak

Nene at totoy na nakayapak

Teka tanghali na pala, medyo nakakatawa

Nagising ako na huli na

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Maraming kaugali si Congressman Luplop

Pag nagalit basta na lamang nanununtok

Ang lahat ng kanyang kayamana'y gabundok

Pag naunahan sa trapik ay nanunutok

Siya ay may kalaguyo na gustong maging artista

Kung pagmasdan ay elitista

Walang patid na dilema

Sa kanyang panaginip ako ang kanyang asawa

Isang dakilang labandera

Ang pangalan ko ay Thelma

Tawagin mo na nga si Boy

Naglalaro ng pusoy

Baka ipatalo ang pera

Para pagkain ng mga anak

May mga totoy na umiiyak

May pag-asa pa kaya

Lahat ay naitaya

Sa buhay namin na hind tiyak

 

Repeat chorus

 

Post-chorus:

Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot

Parang rotonda lang

Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot

Parang rotonda lang

Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot

Parang rotonda lang

Ikot, ulit, ikot, ulit, ikot

Parang rotonda lang

 

Verse 3:

Ganun pa din ang panaginip na umuulit

Pag huminto ay siguradong may karugtong na guhit

Tuloy-tuloy, hanggang sa aking mabuo

Nang madaanan ang lugar

Alam kung saan ihihinto

Pagtindig ko na parang ako'y taga roon

Pagbili ko may batang may gusto ng pulburon

Sa lugar na masukal at madilim

Mamasamasang pinto na parang gustong katukin

Ano nga kaya matandang babae nang tumingin

Maluha-luha ako'y sinimula niyang sagutin at tulala kong

Hinahanap mo si Boy, matagal na siyang tinaboy

Pababa sa lupa

Anim na talampakang kumonoy

Dinukot siya ng pulis sa madaming kadahilanan

Kaso lang sa totoo lang ayaw ko malaman

Kahit parang alam ko na

Mahirap ang magtaka

Dahil buhay namin ay di naman nalalayo sa iba

Nakakangawit umasa, nakakapagod mangarap

Maghanap parang itim na ulap sa alapaap

Aambunin, uulan

Hanggang sa mamuo

Paulit-ulit ang eksena

Kahit bago ang yugto

Sa palabas na ang bida ay paghihirap

Pagbuno sa araw-araw na maraming sikmurang kumukulo

Nakulong na si Totoy

Si Nene naman ay bayaran

Tanaw sa bukas ng marami sa ami'y ganito na lang

Lumangoy sa panaghoy

Sa panaghoy ka lumangoy

Bali-baligtarin man na parang baraha sa pusoy

Di bagay dito ang tisoy

Sarili ko'y tinaboy

Parang napaso nung ako'y nang tawagin nya ako na Boy



OTHER LYRICS

Bawat Buhay

Illustrado
Illustrado
2017 Album

Bloom

INVERSE
RBTO
2012 Album

O.L.X (feat. Mcee)

Moderno
M Zhayt
2018 Album

Atsay Killer

#MANILACIRCLEJERK
Den Sy Ty
2016 Album

Tipsy D vs Juan Lazy (Tipsy D's Rounds)

FlipTop presents: 082 Magnitude Ikaduha
Various Emcees
2013 Rap Battle Verses

FEATURED ARTICLES