Chorus:
Maraming bukol sa aking mukha
Tanakang umukol at sinasadya
Laging sinasalo ng sanga at dahon ko
Maraming bukol sa aking mukha
Dahil ang puno ko'y hitik
Verse:
Maraming bagay ang gusto kong sagutin
Tuwing haharangin at tatanungin
Mga asal na saki'y nagpapailing
Ang palaging bungad bakit ang aga mong dumating
Bawat trabahong tinapos haharapin
San man gaganapin aking kakagatin
Na parang tayo'y nasa 1997 ulit
At wala akong alam na ibang gusto kong gawin
Kahit sablay ang damit, ang mikropono'y punit
Sabi nga ng nanay ko sakin ay diyan ka magaling
Di ko inakala na ako ay may mararating
Pero buo ang tiwala sa bitbit na anting-anting
Na walang anuman ang sa akin ay makakapigil
At ang talunan sakin ay isang maliit na butil
Ng buhangin sa pangpang matamis na hinahagkan
Ang dagat ng isang gutom na aso na sumasagwan
Sa isang pirasong tinapay na sakin ay umakay
Tuwing sakto ang pera dadayo doon sa Pasay
Pabalik ng Baclaran, Las Pinas. papuntang Cavite
Pag pauwi sabit sa jeep na Alabang Zapote
Nagpupumilit sumingit palad di maiguhit
Pagkatapos ng lahat-lahat ay dapat kong masulit
Para saking mga anak kahit di maitatak
Ang aking pangalan makasabay sa mga yapak
Salamat kahit na ako ay isa lamang manunula
Ay may natungtungan na rin akong nakakalula
May kanin sa kaldero at may yero sa bubong
Para sa mga mahal yan ang palagi kong tugon
Dahil marami ang laging nakaabang na ulupong
Lait na pasigaw sakin ay mga mahinang bulong
Kaya damihan mo ang hawak na pamukol na bato
Ang tangi kong hiling sana'y mabusog ka sa bunga ko
Chorus:
Maraming bukol sa aking mukha
Tanakang umukol at sinasadya
Laging sinasalo ng sanga at dahon ko
Maraming bukol sa aking mukha
Dahil ang puno ko'y...