Hook:
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos Mga pagsubok na tila ‘di na matapos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos? May pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?
I.
Pinatibay ng bagyo ang pagtapak mo sa lupa Susugod sa delubyo, lubog na nga sa utang Pilit umaahon sa bahang ‘di humuhupa
Sa kalam ng sikmura, wala nang oras sa pagluha
Pagtuyo nama'y sira na ang pintura Kinakalawang ang mga kandado sa pintuan Umiiyak ang kisame na yerong puro butas Nasira ang mga pagkaing nakaimbak para bukas
Kinabukasan ay parang diamenteng hinahagilap mo sa putik Sa gitna ng mga patay na hayop sa bukid
Gamit mapurol na pang-ukit
Habang may banta ng pagkidlat mula sa panahong masungit
Halos mamulubi
Pilit kinokontra ang tuluyan na pag-agos mo sa tubig Hintayin pa bang malunod?
Papano ka lalaban kung naiwan kang bilad sa anino ng daluyong?
Hook:
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos Mga pagsubok na tila ‘di na matapos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos? May pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?
II.
Nanginginig, nanlalamig
Patuloy na bumibigat ang mga natitirang basang damit Ngunit wala ka nang paki
Tanging nasa isipan ay wala ka nang tirahan sa susunod mong pag-uwi
Wala kang takas sa sakit:
Bunga ng pagsugod ay trangkaso at lagnat ang babalik Mga sugat sa baha'y nababad nang walang takip
At ang mga mahal sa buhay na hindi na nasagip
Sinalo ang buhos ng langit na punong-puno ng galit Katiting na lang ang natitira bago sa patalim ay kumapit Marangal kang nagtanim, bakit gan'to ang inaani?
Kung mas matimbang ang diskarte sa sipag ay ‘di na bale
Napabayaan, napag-iwanan
Ang mundo mo ay bartolina na walang liwanag Tuluyan kang masisiraan sa malamig na higaan Habang sila’y abala sa mga mabababaw na hidwaan Walang hiya yan!
Hook:
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos Mga pagsubok na tila di na matapos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos? May pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?
III.
Walang katapusang hatinggabi, walang pagtila Natitirang pag-asa ay hindi na maaninag Desperado sa pagningas ng basang kandila
Di mo na nasisilayan ang araw at kanyang sinag
Tubig lampas balikat, pasan-pasan ang kadiliman Dahan-dahang naramdaman ang panghihina
Sa banta ng kamatayan, nagpanggap patay-malisya Sa isang iglap, ang buhay ay naging panandalian
Outro:
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos?
Tuloy-tuloy lang sa pagdaloy at pag-agos
Ang hanapbuhay ba ay para lang ba makaraos? May pangarap din sila, ‘di na ba maaayos?