Verse 1:
Alam ko na mali pero bakit di makalimot?
Ikaw pa rin ang mundo ko at sayo lang umiikot
Dahil hindi yun madali, kung mawawawala ka
Mas mabuting masawi at mabawian na ng buhay
Dahil hindi na babalik
Sa dati, ano na ba kasi ang nangyari
Sabi mo sa akin kahit kelan ay hindi mo lilisanin
Bakit?
Bakit?
Bakit?
Hook (2x):
Sabihin mo na kagad sakin
Hindi na dapat pahabain
Kung wala rin naman na mangyayari
Mas mabuti pang itigil na natin
Verse 2:
Sabi na nga ba, na wala talagang pag-asa
Ni kahit konti man lang ay di mo binigyan ng tsansa
Pinapangarap kong makasama di inakalang
Mga ala-alang hinayaan lang isina-alang alang
At pinili ko nalang na mag isa
Kahit na mawasak na 'ko basta ika'y masaya
Hinayaan kong mawala ka't nagpaubaya
Ganyan naman talaga sa mundo natin na madaya
Repeat hook
Bridge:
At pinili ko nalang na mag isa
Kahit na mawasak na ko basta ika'y masaya
Hinayaan kong mawala ka't nagpaubaya
Ganyan naman talaga sa mundo natin na madaya
Repeat hook